5 “Craziest Me” In My Life

1. JINGLE SA CR NG LALAKI - hehehe! May katagalan na to at aksidente lang po yun dala na rin ng katangahan. Nood kami noon ng friend ko sa dating Greenbelt Cinema ng Makati. Maalala ko Young Guns 2 pa yung movie. Wahhh… tagal na nga!

Pigil na pigil na kami sa wiwi namin kaya saktong pagkatapos ng movie unahan kami kumaripas papuntang CR. Nakabukas na yung pinto kaya di naman napansin yung karatula sa door. Walang pang tao sa loob at kami nga ang nauna. So, kanya-kanya kaming pasok ng cubicle. Nagkukwentuhan pa nga kami habang nagpaparaos ng jingle namin.

Paglabas ko ng cube, “Ay Potaaah!” ‘yan agad ang naibulalas ko. Gusto ko himatayin!! Daming lalaki nakita ko nakatalikod umiihi sa urinal!!! Lahat sila napalingon, nagulat din nung nakita ako at wala ni isang nakapag salita sa kanila. Tanginaaaa! Magkahalong gulat, takot at hiya - tumakbo ako palabas at iniwan ko na yung friend ko na nasa kabilang cubicle.

Paglabas ng friend ko sa cr, nagtinginan kami. Walang sali-salita. Sabay hampasan, humagalpak kami ng tawa na halos maluha-luha na! Haays. . .

2. SHOPLIFTING AT SM MAKATI - Punta kami ng opismate ko sa SM para maghanap ng accessories na ite-terno sa isusuot naming damit para sa nalalapit na company xmas party. Pili dito, sukat dun ang ginawa namin ni opismate. May natipuhan na kaming bilhin at tinatanong na namin kung magkano yung pares ng hikaw na napili namin nang biglang dumating ang artistang si Gretchen Baretto sa loob mismo ng SM.

‘Nak ng biyudang unggoy!! Sobrang asar kami. Iniwan at hindi na kami inasikaso ng mga salesladies dahil nagkakagulo na sila kay La Greta. Ewan ko ba at sinaniban yata kami ng ka-demonyohan sa utak namin ng magkatinginan kami ng opismate ko. Bitbit yung pares ng hikaw. . . sabay talikod. . .deretso ang lakad . . . walang lingon-lingon. . .hanggang makapag exit kami ng SM.

Aminin ko, halos humiwalay kaluluwa ko noon sa sobrang nerbyos habang palabas ng tindahan. Grabeh! when you’re young and carefree talaga . . . mainit ang dugo at walang takot! Sobrang lakas ng loob ko at nagawa namin ilabas ang item na hindi binabayaran. Whew!

3. I was in Dunkin’ Donuts - Cebu (Fuente Osmena branch) nung nagkakape kami ng mga barkada ko nung pinagkatuwaan kong dikwatin ang porselanang tasa ng Dunkin Donuts. Ako lang ang bebot nilang kasama noon. Dati kasi pag subukan ng pagka-daring … dehins ako umaatras. Dare ako ng barkada ko kung kaya ko iuwi yung tasa.

Sus, eh ako fah, sabi ko! Tamang-tama may suot akong jacket noon. Wala ng maraming satsat - nilagok ko ang natitirang laman na kape - sinuksok/inipit ko ang tasang mainit-init pa sa kili-kili ko sabay tayo - at lumabas ng coffee shop . . . deretso ang lakad papuntang car park. Buti nga tasa lang ang kinuha ko at hindi kasama platito. Bwahaha! As usual, lafftrip na naman kami.

4. MYSTERY WOMAN - minsan na ako naging stalker at kinarir ko talaga ang trip na ‘to. Pangarap kong maging architect dati kaya ganun na lang ang paghanga ko pag may nakikilala akong architect. Yung inistalk ko, crush ko talaga yun. Hindi kami magkakilala but we work in same bldg in Amorsolo Makati dati. Siempre cutie pie yung guy, mulato, UP-graduate at ang ganda ng boses. Wraaar!

Mabaliw-baliw yung guy sa kaiisip kung sino nagpapadala ng lunch, snacks, flowers, chocolate rolls, pizzas sa opis nya. Siempre may mga lovenotes pa akong pinapadala. Since wala pa naman caller id sa mga phones dati kaya wala sya idea kung sino yung tumatawag sa kanya. Hindi nya alam na ang malanding tumatawag sa kanya sa direct line nya ay nasa 3rd floor lang ng building na pinagta-trabahuhan din nya. Bwahaha!

Yun yata ang isa sa pinaka-exciting na kalokohan na nagawa ko sa buhay ko noon. Araw araw nag iisip ako kung anong gimik ang gagawin ko. Ang dami kong kinuntsaba. Talagang na-enhance ng todo creativity ko sa katarantaduhan ko na yun. Pwera yabang, na feel ko nahuhulog na ang loob ni crushie sa pagiging misteryosa ko. Hay, ang sweet-sweet ko kaya nun sa phone at ang landi-landi koooo. Hahaha! Di nagtagal i revealed myself na rin sa kanya at kami ay naging more than friends. :D

5. VOODOO-VOODOO - Lastly, ewan ko kung kakayanin nyo tong kabaliwan ko na to. Eto yung PINAKA sa lahat. At sana pag nabasa nyo ‘to…sana kaibigan ko pa rin kayo. Sana patuloy nyo pa rin ako mahalin kahit malaman nyo na may kakulangan ako sa pag iisip. At sana wag nyo ko kamuhian. Pasintabi po sa mga kumakain. Yung mga mahihina ang sikmura, inaabisuhan ko na po kayo na hanggang dito na lang kayo at wag nyo na ituloy ang pagbabasa.

Forgive me father for i have sinned, pina-inom ko lang po naman ng kape ang isang ex ko na may halong abo ng pubes ko. Waaahhhh! Patawarin nyo po ako sa paglalahad ko.

Ganito kasi yun. It happened 11 years ago. Nalaman ng titser ko (kaututang dila ko) sa baking class na aalis ako papuntang Singapore para kitain yung bf ko na naging EX ko. Medyo nagkakalabuan na rin kami nun ni bf at tiempo naman na masyadong nagpapaniwala sa mga gayuma chu-chu si titser ko. Sinulsulan ako ng sinulsulan na may alam daw syang paraan kung panu mahumaling ng todo ang lalaki sa babae para hindi magkahiwalay at very epektib daw talaga.

Eh ako naman, hindi pa ganun ka-buo ang faith ko kay Lord noon kaya nadala naman ako sa suggestion nya na kitain muna ang isang matandang babae bago ako umalis. Pag naaalala ko ngayon ang matandang yun eh mangkukulam nga yata talaga yun eh. Hahaha!

Weird sa lahat ng weird kasi nga pinapa-submit nya ako ng pubes ko. Waahh! Natatawa ako dun sa naririnig ko sa kanya kaso may pagka desperada na rin ako nun kaya sinunod ko. Buti na lang malago pa ko nung mga panahon na yun kaya sisiw sa akin ang mga requirements nya. Pinabalikan na lang nya sa akin ang “gayuma” kuno kasi ipag-oorasyon pa yata nya yun. Bwahaha! Pucha! P1,500 ang binayad ko dun ha!

So, GO ako ng Singapore… 5 days ako dun kasama ang naging EX ko. Gusto nyo ba malaman kung naging epektib yung pubes na gayuma? Hindi! Wala! Palpak! Buset! Eh kasi ba naman, mali daw ang execution ko. Hehehe! Dapat pala ihahalo yun sa pagkain. Ang ginawa ko kasi hinalo ko sa kape. Nyahaha! Bobo ko.

Hay, tama na nga. Ayoko na mag detalye pa. Nararamdaman ko na pag nabasa to ng EX ko…malamang ipa-salvage ako nun. At sana pagkatapos ng entry na ‘to ay sana pagkatiwalaan nyo pa rin ako at mahalin. Pinagsisihan ko na po lahat ng kabaliwan ko. :lol:

At pag nai-salvage ako after this entry…kasalanan ‘to ni Badoodles na nag tag sa akin. Hmp! Yan ha pare, bayad na ako sa yo. Limang kabaliwan lang ang pwede ko iladlad sa publiko kasi pag kinumpleto ko pa yung 8, baka maduwal na kayo sa akin. Well, those were the days. Malaki na po ang ipinagbago ko. Bwahaha!

********************

How do you take your iPod? Black? Or with Crème?

Please leave a comment

  1. selvo Says:

    “…Di nagtagal i revealed myself na rin sa kanya at kami ay naging more than friends…” KINDLY ELABORATE LANGGA. WHAT DO PEOPLE WHO ARE MORE THAN FRIENDS DO? PLS DESCRIBE…

    MARU: hahahaha! eh ano pa nga ba kundi nagkaka-hubaran! nagkaka-hubaran ng pagkatao. :D eh kasi nga very close na.

  2. TRISH Says:

    hahahahaha! maru…ano kaya lasa non? di kaya nag-iba yong lasa ng kape kaya naturn off si ex kc naman kape lang di ka marunong magtimpla? :) peace!

    MARU: nakita ko nung naubos nya yung kape may mag residue pa na naiwan kaya dali-dali ko hinugasan yung cup sa cr kasi baka pag nakita nya yun eh biglang mag reklamo pa sya dun sa hotel. Patay! hindi ako ang nag timpla nun…pina-room service yun. wahihi! buti na lang may kalabuan mata nun.

  3. badoodles Says:

    da wan en onli ka talaga mare. hahahaha! sulit ‘yung pag-antay ko dito sa post na ‘to. no holds barred exlusibong explosibo. mukang pagkakakitaan natin yang voodoo recipe mo benta natin sa starbucks - cafe’ marucchiato, ang espressong galing sa inabong kinulot na buhok ni maru. may naisip ka na bang tagline pag naging commercial yan sa tv? iniisip ko kasi kung pedeng buhayin si apeng daldal tapos emote habang hawak ang tasa ng kape: “cafe’ maru.. mainit, masarap… tikim na”. yayaman tau diyan mare. :lol:
    MARU: pare, nag sekantot talaga ako sa entry ko na ‘to kasi alam mo naman ang image ko ngayon -hulsam! bwahaha! kaso sobrang lakas ka sa akin at hindi ako mapapakali na hindi ka mapagbigyan sa kapritso mo. #$%$%$#! hahaha! nakow! wag na natin pagkakitaan ang recipe ng kape ko, pare. gusto ko pa mabuhay ng medyo matagal. tsaka palpak din ang formula na yan. wahihi!

  4. zoul1380 Says:

    Oh no ang Polvoron!? pa cancel na lang heehhehe…

    ayos sa mga misadventures hehhee….

    MARU: langya! wag idamay ang polvoron ko ha? bwahaha!

  5. earthlotus Says:

    haha. @_@ ang kewl nung number 1!

    wahaha.. @_@ tsk tsk tsk.. Ano kaya hitsura nung mga lalaki habang umiihi tapos naririnig kayong nag-uusap pati nung mga kasama mong babae? wahaha.. hakenthimajiiin.. hehe. @_@ astig! lupet lupet!

    MARU: aguil, nakakatakot pala talaga ang mapadpad ka sa loob ng CR ng mga lalaki. kaya nga napamura ako dun sa loob eh. di ko na tiningnan mga mukha nila at nakayuko ulo ko na kumaripas ng takbo palabas.

  6. barubal Says:

    ano kaya lasa nun ms maru? wahhhh

    OT: oi nakapag aral din ako dyan maru sa MSU-IIT economics kaso 1 yr. lang na kick-out me agad.

    MARU: barubs, di ko alam ang lasa kasi hindi naman ako ang uminom. hahaha! pero palagay ko walang difference.

    OT: dun din ako nag high school. astig di ba? hehehe!

  7. dEe Says:

    mare kabugan to the highest level ito. lalo na ang pagnenenok at ang paglagay ng abo ng pubes sa kape. hahahaha!

    MARU: dee, those were the days. medyo may katagalan na rin mga yung mga pangyayari. pag naiisip ko nga yun minsan….natatawa na lang ako mag isa. hindi rin ako minsan makapaniwala na ang lakas ng loob ko noon.

  8. jeckass Says:

    bwahaha! pubes?! pero okey lang yun, wag lang yung buhok s puwet. hehehe

    MARU: nyahaha! kahit papano wala naman akong buhok sa wetpaks. hahaha! langya! kunsabagay, minsan naman eh kinakain talaga ang pubes di ba? hahaha!

  9. defpotec Says:

    to sum it up.. isa kang:
    5. ignoramus
    4. klepto
    3. klepto
    2. stalker
    1. sick sanamabits..

    1st time ko mandiri at manghina sa kababasa ng blog ng ibang tao.. grabe moo.. you take my breath away!! nanghihina ako..

    OA na..

    MARU: moo, friends pa rin naman tayo di ba? labs mo pa rin naman ako di ba? di ba? di ba? ganun ako kabaliw dati moo. kulang na lang turukan ako ng pang pa-kalma sa kabaliwan ko nung “kabataan” ko. bwahahaha!

    tsaka oo nga pala, OA na!

  10. jojie Says:

    buti nga pubes lang.. naeskandalo naman agad tong mga to. hmpt! :lol:
    MARU: korekkkkk! ang mga OA naman ng mga ‘to. para pubes lang eh. buti nga hindi bolbits. lolz!

  11. Kiko Matsing Says:

    Ito ang mahirap na tag! Sana kumalat para mabasa rin yung mga tinatagong lihim ng iba. :)
    MARU: kiks, so far eto ang pinaka-mahirap na TAG na ibinigay sa akin. muntik ko na hindi sagutin to. ayoko naman magpa tweetums sa sagot ko kasi hindi na maka-totohanan. lahat naman tayo may kabaliwan sa buhay natin noon di ba? ang importante ay yung kaya natin pag tawanan ang sarili at ang mga nakaraan natin. teka, friends pa rin naman tau di ba?

  12. katherine Says:

    waaaaa.kaloka.pero trip ko din maging stalker and in d end maging more than fwends kmi…pwede kaya un …di kaya ako patayin ng asawa ko.

    MARU: heh! umayos ka ha. buti sana kung wala ka pang richard sa buhay mo ngayon. kalimutan mo na ang post ko na ‘to. lols!

  13. kengkay Says:

    nyahahaha - i can relate dun sa mystery woman epek, dami ko ring ganyang kwento. at yung paggamit ng gayuma, binili ko pa sa quiapo, hehehe!

    MARU: sabi ko na nga ba, keng. magka-kulay tayo. di kaya ikaw ang long lost sister ko?

  14. antuken Says:

    ang galeng. iba ka talaga sexy mama. alam mo ba ang kwento naman ng isa kong tita, kung gusto mo daw na umamo sa yo talaga ang asawa mo, painumin mo raw ng tubig na pinaghugasan ng pepe mo. hindi lang asawa actually, kahit sino. eeeewwww di ba?

    MARU: waaahhh! di ko alam kung mas matinding kabaliwan yan. pero may napanood ako minsan sa tv…pinagbabaran naman ng bagong hubad na brip naman yung ipinapainom. waaahhhh! eeeewwww din! hahahaha!

  15. dru Says:

    Friends pa rin tayo. Promise.

    MARU: druuuuu! salamat naman at anjan ka na handang umunawa sa akin. isa kang tunay na kaibigan! teka…bakit nga pala ang tagal mo nawala? na miss kita ha! anong pinagka bisihan mo?

  16. alan Says:

    meron pa akong alam na kabaliwan mo nuon :D
    MARU: uy maylabs! kumusta ka na? para kang kabute na pasulpot-sulpot a. PM mo naman ako minsan…na miss ko na chikahan natin. Tungkol nga pala dun sa ibang kabaliwan…hehehe! tama na at wag mo na ipaalala, kaya nga 5 lang ang niladlad ko kasi sobra-sobra na. wahihi.

  17. chuvaness Says:

    ano kaya magtayo ka ng coffee shop no? nyahahaha

    maru = perv

    nyahahaha…walang tatalo sa pagiging lukaret mo :D
    teka, polovoron??!! whaaaaaaattt??? o-order pa din ako

    MARU: waaah! pagdudahan ba naman ako.

    chuvaness=dudera

  18. brath Says:

    haka loka talaga yung gayuma na yun ah! heheheh sayang lang at hindi mo sa pagkain nailagay tsk tsk jejejeje

    xiao!

    MARU: aktwali medyo na-curious din ako nun kung talagang epektib yun. pero kalokohan talaga di ba?

  19. kAiTh Says:

    hahaha. grabe, hindi ako makahinga while reading this entry. sobrang KALOKA! hahaha. maru, dahil sa mga kabaliwan na ito, mas gusto kitang maging friend. :D
    MARU: maraming salamat kaith. kung alam mo lang na hinugot ko na yata lahat ng mga nalalabi kong pwersa para magkalakas-loob lang na i-share sa inyo ang mga karanasan ko na yan. hahaha! Alam kong mawawalan ako ng negosyo pagkatapos ng entry na to. huhuhu!

  20. Raymond Lee Quijano Says:

    yung shoplifting part ang gusto kong part sa post mo. hehe….

    MARU: nakow! mukang natuwa ka pa sa mga kabalbalan ko ha. Ano kaya kung nahuli ako nun noh? SIguro walang MARUISM blog na binabasa ka ngayon. lolz!

  21. taroogs Says:

    anlupit ng gayuma na yun a! buti di siya na-tinga sa buhok :-) hehehehe….

    MARU: hindi ka matitinga dun kasi para syang ground pepper na. mahirinan, yun baka pa. :D

  22. gasti Says:

    pakibudburan nga rin ng pubes ang order kong polvoron..tingnan natin kung epektib na. hehe!

    saludo naman ang akin sa pagiging matapang mo na ibahagi sa iba ang iyong mga karanasan kaya lang eh nabitin ako dahil kulang pa ng 3 eh.

    mabuti nga kapag babae ang naligaw sa cr ng boys di kami nagagalit. pag kami ang naligaw malamang isumbong na kami sa guard at paratangang manyak.

    MARU: langya, mukhang madadamay pa yata ang polvoron ko sa confessions ko. Sige na nga, hindi na ako magbebenta ng polvoron ko sa inyo. Mali yata ako sa pag post ng entry na to. Waaaah! Nawalan pa ako ng mga prospect customers.

    my dear, may kasabihan na … “If you don’t learn to laugh at trouble, you won’t have anything to laugh at when you are old.”. Aktwali di ko alam meaning ng kasabihan na yan. Wala lang, gusto ko lang sya i-type dito. Hahaha!

  23. A Z R A E L Says:

    bespren.. natakot ako sayo.. parang gusto ko na i-cancel yung order ko sa pasko na BULBUron

    MARU: hahaha! ok lang bespren. ako na rin ang umaatras. suicide nga ang entry na ‘to eh. hahaha!

  24. camilleeee Says:

    lufettt ng namber payb!

    tama nga, “PINAKA” nga sya sa lahat.

    MARU: hi camilleeee, salamat sa pag visit :D

  25. Laarni Says:

    haha astig yung SM moment. :P
    MARU: kaya mo yun? lolz

  26. You Make Me Smile « M A R U I S M Says:

    [...] kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. [...]

  27. Jon Cabron Says:

    .. nyaiks hindi kaya pinalitan nung matanda yun nung pubes nya?!

    pubes ng matanda ampotah!

    MARU: bwahahaha! inaasahan ko na ang ganitong reaction mo, idol.

  28. Nika Catbagan Says:

    Hahaha. homaygad ngaun ko lang nabasa. Muntik nako maihi katatawa. :D Kahit luka-luka ka p noon, iwawagayway ko pa rin ang bandera ng MARUanians! Hahaha.

    MARU: nika dear, noon pa yan ha? di ko na yata kakayanin yan sa mga panahon ngayon. nakakahiya na natatawa ako sa mga pinag gagawa ko dati. kaya mo yun? wahihi!

  29. chillidobo Says:

    aleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeew!!!!!!!!!!!!
    kaw na yata ang reyna ng mga kalokohan hahaha

    MARU: hahahaha! noon yun

Leave a Comment

Related Posts from the Past: