You Make Me Smile

Tapos na PMS ko at siguradong wala akong mood swings ngayon. Pero mahal ang smile ko netong mga araw.

Inaatake ako ng mga worries and fears at lahat na yata ng negative thoughts eh nakasaksak ngayon sa utak ko.

Kahit saan ako lumingon wala akong makitang pwedeng takbuhan o mapuntahan. Walang magulang, walang kapatid, walang kamag-anak, walang barkada, at walang kaibigan na mapaglalabasan ng hinaing.

Gusto ko sana magsumbong kay Tulfo kaso di naman nya ako kilala. Baka mamaya eh maipakulong pa ako nun dahil sa mga kabaliwan ko dati sa buhay. Lolz!

Hindi rin identified ang MARUISM as drama/emo blog kaya no choice kundi solohin ko muna anuman nararamdaman ko ngayon.

Howel, hindi naman ako makakakuha ng Blogging Star Award for Humor from Chuvaness at Best In Comedy Blog Award from Moo for nothing kaya kelangan panindigan ko na lang talaga ang image ng blog na ‘to na nakakatawa.

At eto ang latest . . . napasyal ako sa blog ni Hipncoolmomma and this is what i got from pretty mom Girlie. “You Make Me Smile Award”.

makemesmile.jpg

Girl, ang malaman lang na napapangiti kita via blog op mayn ay sapat na sigurong rason para ngumiti ako - kahit sa araw lang na ‘to. Maraming salamat sa recognition.

Please leave a comment

  1. selvo Says:

    multi-award winner ka na langga. ayaw kaayo pag worry oi you know what you are made of. you are stronger than you appear, much deeper than you smooth and fair skin. keep that smile always

    MARU: i love my awards, langga. don’t wori ‘gang…i’ll be ok. maraming salamat.

  2. Mithi Says:

    Naku, iniisip mo lang na wala kang matakbuhan. Ganyan din ako, parating sinosolo problem pero kapag nasabi ko na sa kahit kaninong malapit saken, ang gaan na nung problema at kayang kaya ko nang resolbahin.

    Always pray Maru. :)
    MARU: salamat, mithi

  3. TRISH Says:

    uyyy blogosphere hall of famer ka na maru :)
    keep it up! :)
    MARU: parang TRUE noh? hehe!

  4. Kiko Matsing Says:

    Uy congrats! Andami mo nang award ah! :)
    Huwag mong sarilinin problema mo, kung wala kang makausap ng personal puwede naman siguro ang ilang piling kaibigan mo dito sa web.

    Mag-buzz ka lang sa mga ym nila siguradong matutulungan ka nila. Minsan mas maganda pa na ihinga mo ang problema mo sa ibang tao dahil hindi ka nila huhusgahan agad kung tama o mali ka, makikinig lang sila.

    Buzz mo ‘ko minsan, payuhan kita. Wag lang matematiks dahil mahina ako dun. :)
    MARU: sweet naman ni kiko matsing. parang feel ko tuloy mag emo na lang lagi. lolz. salamat kiks.

  5. Girlie Says:

    uy bakit naman sa araw lang na to? gawin mo ng araw araw, hehe.

    true naman, aliw ako sa blog mo, kahit minsan ko lang nadadalaw, hirap ng may racket sa totoo lang, ang daming deadlines na hinahabol.

    at least i made you smile kahit papano

    MARU: hi girl, ok lang yun. kainggit ka naman at dami mo raket. salamat ulit sa award. hehehe

  6. defpotec Says:

    di bagay moo… seryos amp.. parang gusto ko ng linggo ng emo…

    MARU: honga moo..di talaga bagay sa akin ang mag drama. haysss…

  7. chuvaness Says:

    maru, i-post mo lahat ng trophy mo dito…anshoray-shoray!

    “There is only one happiness in life, to love and be loved”

    YOU ARE LOVED MARUUU!!! :D
    MARU: ayan na sa sidebar ko ang trophy ko :D salamat malen! mwaaah!

  8. Banana Says:

    Di mo nga bagay ang emo pero naiintindihan kita sis mawu. pero wag na lang kaya, di mo nga talaga bagay. lol

    MARU: anniepie, para maiba lang. para hindi naman nakakaumay mga post ko. wahihi.

  9. badoodles Says:

    mare kaya nga kaw ang feature humor blogger ko for da month of november sa site ko. haha! calendar gel ka na. madapacking sheet, pati pag uwi namin sa bahay ni misis nagiging topic pa namin ung kakulitan mo. ;)
    MARU: josko! eto na yata ang kasagutan ko sa matagal ko ng pinapangarap na maging calendar girl. lolz!
    pare, basta ikaw hindi talaga ako papalag sa u kahit gawin mo pa akong sex slave sa blog mo. nyahaha! papano ako makakatanggi sau eh ang lakas ng sex organ este appeal mo. Mareng Bebe, pis tayo. hehehe! Karangalan ko ang ma-feature sa blog ni Badoodles. Maraming salamas pre, hanggang sa suso nod ulit. :D

  10. kengkay Says:

    maruuu, halika dito sa alemanya, dito tayo mag-emo dalawa, hehehe. pwede ba i convert yang mga awards mo sa cash para may pasahe ka :D
    MARU: keng, kahit na matabunan ako ng problema hindi ko talaga ibebenta ang aking trophy. Malaking pakinabang ang trophy ko na binigay ni moo sa akin lalo na sa pag iisa ko. lolz!

  11. bonniefazzyoo Says:

    ay naku ate lately ate ganyan ako, kailangan ko rin ng ganyang recognition.

    MARU: ah basta, balik ka agad sa pagiging active. na-miss ko kalandian mo. :D hindi bagay sau ang emo.

  12. kabesang tales(uno) Says:

    wala kang katulad maru……..he he he he iba ka talga multi awardy na keep it up iha

    MARU: maraming salamat kuya uno. bwahahahaha!

  13. Ambo Says:

    wow congrats! ang galing mo talaga. hanep daming award ah. kainggits hehe.

    MARU: salamas, salamas! lolz! parang totoo ha.

  14. barubal Says:

    iba ka talaga ms maru mabuhay po kayo!!!

    MARU: uu barubs, ibang-iba ako. isa akong special child kasi. lolz

  15. gasti Says:

    ganyan talaga ang buhay pagminsan..parang sinusubok ang pasensya mo. madami ka namang friends dito eh..hindi lang naman puro saya ang buhay. kwentuhan mo ko at kukwentuhan rin kita..magkwentuhan tayooo.

    MARU: uy biglang napa seryos si pareng gasti. hmmn..parang di bagay sau a. hahaha! di nga, maraming salamat sa mga paalala. LD

Leave a Comment

Related Posts from the Past: