Personal Thoughts

Alagain Ka Ba?

Madalas kong mabasa ang ganitong status sa Facebook.

Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . .
Pero hindi ka naman maalagaan ng tama.

Madalas nababasa ko yan mula sa FB status ng mga bilatches at never pa mula sa mga betlogins. Siguro may mga limang beses ko na yata nabasa yan sa feed mula sa iba’t ibang user.

loveParang alam ko yata kung ano ang pinaghugutan ng emote line na yan. Marahil feeling neglected na talaga ang isang pudang kaya nakakapag-emote na ng ganyan. Madalas nangyayari ang ganyang angal pag ang isang relasyon ay medyo nagtatagal na. Kumbaga…pag tapos na ang honeymoon stage.

Kung iisipin mo, hindi gaya noong nag uumpisa pa lang ang relasyon…sus, walang sinabi ang arnibal sa taho o mapapahiya ang asukal sa ka-sweetan ng mag dyowa. Maya’t maya ang text, tawagan, at kung anu-anong pang mga gimik para ma-express lang ang pagki-care sa isa’t isa. Siempre…si babae eh sadyang lambutin ang puso at madaling kiligin, andun yung masasanay, mag i-expect na akala ay palaging ganun ka-caring at ka-thoughtful si boypren – forever.

Kaso reality bites. Along the way, magsisimulang susulpot na ang mga problema at lilitaw ang mga trials. Masakit man isipin pero meron at meron talagang magbabago sa kalaunan.

Pasintabi ha, hindi naman sa nilalahat ko. Pero meron din kasing mga lalaki na sa umpisa lang talaga magaling. Habang lumilipas ang mga buwan o taon ay nagiging walang kwenta. Haha! Well, siguro naubos na rin ang pa-impress o pasiklab ni lalaki kaya naman lalabas na talaga ang totoong kulay sa pagiging cold, passive at walang paki.

“Nakakatuwang isipin na may mga taong ayaw kang mawala. . . Pero, hindi ka naman maalagaan ng tama.” Isip-isip ko, korekekek nga naman. Pero inisip-isip ko ulit, kung problema man yan, may solusyon diyan eh.

Hindi ba mas nakakatuwa siguro kung. . . “Kung may taong ayaw mong mawala. . .Huwag kang magpa-alaga!”

Malaki ka na! Wag ka na magpa-alaga! Hindi ko sinasabing itigil mo na rin ang pagki-care kay bf porke’t hindi na sha gaya ng dati. Ang sa akin lang ay, huwag na ibigay ang responsibilidad o kaya i-asa sa boypren na alagaan ka para maging happy ka. Gusto mo ng alaga? Pwes, mag-syota ka ng caregiver? Joke!

Seryosli, babae ako, alam ko rin ang pakiramdam ng nababale-wala. Shempre nakakapanghina ng loob yun. Natural sa babae ang mag crave ng constant attention mula sa partner. Pero ang relasyon kasi para tumagal, kelangan ng sandamakmak na pasensya, maturity at siempre perseverance. Parang online games din yan…may mga stages na dapat lagpasan at kelangan i-adopt mo ang pagbabago. At para maging winner ka sa puso ng jowa mo, mag level up ka sa attitude mo. Para hindi agad ma-game over ang relasyon, huwag na masyado magpa-beybi. Huwag hayaan masira ang pagmamahalan ng dahil lang sa pagiging KSP, needy at sa pagiging maka-sarili.

Isa pa, malaking turn-off sa mga lalaki ang mga babaeng masyadong needy. Kaya tigilan na ang mga complain, at ang kaartehan na maging alagain. Ok?

Hmnnn…harsh yata ng dating netong pagpa-praktis ko na magpaka-Dear Ate Charo. Lol! Bangag pa ako sa gamot! Na-miss ko ang blog ko. Na-Ouch kasi ang Mamaru ng mga ilang araw. 🙁

 

oOo

“Continually give, continually gain.” – Chinese proverb

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Umay

    May mangilan-ngilan na nakapansin at nagtanong sa akin kung bakit mga ilang buwan na rin ...

    Taon 2008

    Kahuhugot ko lang sa piktyur na ‘to mula sa lumang baul ko na may nakatatak ...

    Refreshed

    Dear July 24, 2014, Today, I took a bath. 😛 And. . . Ako ‘to, ...

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    How Do You Do Today?

    Dear July 23, 2014, Today, I laugh like I’ve never been lonely.   Ako ‘to, ...

    Mamaru Sans MakeUp

    Uma-aura ang Mamaru today! Hihihi! May pa sans-sans meyk ap pa. As if naman may ...

    Bon Voyage, Clarisse

    Isa sa pinakaaabangan kong pangyayari last December ay ang muling pagkikita namin ng kababata kong ...

    Pinay

    Photo courtesy of Google May nakausap akong porener. (Matinong foreigner). Diborsyado. At naghahanap ulit ng ...