PEOPLE and POLITICS

Bitin Kay Pogi

Wala pang 24 hours ang pag-FOLLOW ko sa kontrobersyal na si Hayden Kho, “Thanks and bye.” na agad ang tweet ng mokong kanina!

Kainis lang ha! Kagabi ko lang kasi nadesisyunan na i-follow sya, tapos wala na pala akong mababasa na tweets nya sa timeline ko mula ngayon?! Waaaa! Bitin ang pag i-stalk ko!

Ewan ko ba, sa pagba-bye nya, pakiramdam ko tuloy eh may kakulangan na agad sa BUHAY-TSISMOSA ko. Parang ang laking kawalan sa akin. Chos.

2-21-2012 2-07-55 PM

Tsk! Tsk! Tsk! Mukang tapos na yata ang pag-asa ni Hayden na maging multi-millionaire someday. Hehe! Joke!

Kasi naman, winagayway na yata ni Vicki Belo ang puting tela…senyales ng pagsurrender kembular sa relasyon nya with Hayden. Hindi na nya keribels ang kati ng fiancee nya.

Tsugi na talaga Hayden kay Vicki. Kagabi lang yata nalaman ni Hayden na nag-unfollow na si Vicki Belo sa Twitter nya. (Potpot! Parang mga bagets lang ang mga arte ha!). Kaya galit na galit si lalaki at nakapag-tweet tuloy ng kung anik-anik. (Yan ba ang tunay na lalaki?) Tas, buburahin din naman pala yung mga nai-tweet nyang ka-shitan.

Tingin ko naman dito kay Hayden eh mabait naman. Pero siempre, magkaiba ang mabait sa makati. Nakakapanghinayang din ang ilang years na relasyon nila di ba? Ambait pa ni babae.

Haays..sino me sabing pag nasa relasyon eh masaya? At sino me sabing ang lahat na masaya eh nasa relasyon?

Heniweys, here’s my unsolicited advice just for this mamang pogi.

Dear Mr. Hayden Kho, ganito na lang, paminsan-minsan ay samahan mo naman ng delikadesa ang kati. Truly yours, Mamaru. Tsup!

 

oOo

“Ang SORRY ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya, hindi yung mga kalokohang paulit-ulit ginagawa.”

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Goodluck Manny!

    Dong, mag-aabang na lang ako sa Twitter kung ano ang magiging resulta ng laban mo. ...

    Mabuhay Ka, Pacman!

    Congrats Manny! (close?) “He doesn’t fight for the money (that’s our only concern, his money); ...

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    Mula Ulo Hanggang Paa

    Pagdating sa sapatos at size ng paa, masasabi kong OLATS ako sa usapan na yan.  ...

    Daan Ka Muna Pag May Time

    Yao Ming’s Sharks arrive today. (Read: http://ph.sports.yahoo.com/news/yao-sharks-arrive-today-172050359.html) Ah ganun? Hindi man lang ako na-inform ahead ...

    Pray For Boston

    Masarap na sana ang kain ko ng almusal kanina ng oatmeal + coffee + eggs ...