GENERAL

Buhay-buhay

screenshot_65

  • Balik 5:30 eyem na naman ang gising ko para sa mga estudyante ko. At malamang mga 4 piyem ko pa maririnig ulit ang boses ko dahil yun ang oras ng uwi nila. Ibig sabihin, mga 10 oras akong pipi dito sa bahay. Walang kausap.
  • Hanggang ngayon tuwing namamalengke ako o naggo-grocery, nagugulat pa rin ako kakarampot na items na inaabot na lang ng budget ko. Pakonti ng pakonti dahil sa sobrang mahal. Paksyet!
  • Kahit ta-tatlo na lang kami sa bahay, MASAYA ako dahil sa maraming rason. Tingin ko masaya din mga junakis ko kasi mas organisado, matiwasay, maayos ang simpleng pamumuhay namin mag-nanay ngayon. Pag maayos na pamamahay ay maayos din na pag iisip.
  • Nalungkot ako ng 3 araw last week. Ang tagal bago natanggap ng kalooban ko ang pagka-terminate sa akin ng isang advertiser. Pero siempre ako fah! Kelangan palaban sa buhay at siempre malakas paniniwala ko na pag may nagsaradong pinto ng oportunidad… siguradong may magbubukas naman na bintana. Hay Lord…maraming salamat sa ‘yo dahil kanina lang, after 48 years ay nag reply na rin ng positibo sa akin ang nililigawan kong bagong advetiser. Praise the Lord talaga.
  • Kahit papano may natutunan akong leksyon sa pagka-terminate ng account ko sa isang advertiser. Sa susunod nangangako akong mas lalo kong pag-iigihan ang mga task sa akin.
  • Dalaga na ang bunso ko. Nakakatuwang tingnan kasi napaka-homebody. Unti-unting naging responsable sa mga gawaing-bahay. Sobrang bait pa. At napakadaling utusan. Marunong na mag-saing at magluto ng mga basic na kelangan matutunan sa cooking gaya ng pag gisa-gisa ng mga sahog, pag prito and etc. At siempre, turo yan ng nanay.Marunong din maglaba at mag-plantsa kaya pwede ko na syang ipasok as domestic helper someday. Jokeee!
  • Eh yung panganay kong lalaki? Josko! Wala! Pag-prito ng itlog at magluto ng pancit canton lang ang alam. Lalaking-lalaki sa pagiging burara. Kadalasan naka-kuyakoy lang sa harap ng tv, at maglaro ng pc games. Kelangan utusan ng utusan para magligpit ng mga gamit nya. Naiintindihan ko eh kasi nga lalaki.Kunswelo ko sa kanya: walang masamang bisyo kundi ang maglaro ng soccer at frisbees, matalino at concern masyado sa schooling nya at magalang.

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Miss Na Kita

    Miss na miss ko na siya ng sobra. Pero hindi man lang nagte-text ang kurimaw. ...

    Wednesday Humor 05.14.14

    Mga senyales na tumatanda na ang lalaki:1. Lumalayo ang paningin, lumalapit ang pag ihi.2. Nakaupo’y ...

    Upon One Summer Morning

    Mag-nanay. . .ke aga-agang nagmo-moment kanina. Kahit napipilitan lang yung nasa likod.   oOo “Always ...

    6 Comments

    1. siguradong ma babadbreast ka na naman nyan.. kaya dapat masigasig kang mag brush ng iyong tits..

      defpotec’s last blog post..http://www.gagol.com

    2. congrats sa anak mo mami.

      yung lalaki ganyan talaga makalat. hahaha

      sana matuto din sya magluto hehhee.

      paburger ka may baog kang advertiser eh.. hehehe

      popoy’s last blog post..Pasukan na naman!!!

    3. natatawa ko sa description mo sa anak mong lalaki, itlog at pancit canton lang ang alam. ahahaha! buti nga marunong pa mag-canton.

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:GENERAL

    Monday Humor 04.07.14

    Nagkita sa heaven ang kaluluwa ng isang GRO at ng madre…MADRE: “Di ba GRO ka ...

    Home Alone

    Bago ang lahat (ako lang ang luma), lemme greet each one of you – Pi Nyo ...

    Wednesday Humor 09.18.13

    Letters: Dear Ka Nur, Maraming salamat po sa kooperasyon. Tatanawin kong malaking utang na loob ...