HUMOR

Buti Pa Sila

Dedikeyted para sa lahat na mga emoterang kagaya ko at sa mga nagko-coffee break na rin. Tara! Sabay-sabay tayong mag-emote.

snapshot-49

Buti pa ang kalendaryo, may date.
Buti pa ang Hersheys, may kisses.
Buti pa ang probability, may chance.
YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang Paranaque, may BF.
Buti pa ang farm, may chicks.
Buti pa ang halaman, may nag-aalaga.
YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang nitso, may bulaklak.
Buti pa ang patay, may dumadalaw.
Buti pa ang preso, binabantayan.
YUNG IBANG TAO, BALEWALA.

Buti pa ang tennis, may love.
Buti pa ang bees, may honey.
Buti pa ang Chemistry, may lab.
YUNG IBANG TAO, WALA.

Buti pa ang telepono, hini-hello.
Buti pa ang film, nadi-develop.
Buti pa ang typewriter, nata-type-pan.
YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang exams, sinasagot.
Buti pa ang problema, iniisip.
Buti pa ang assignment, inu-uwi.
YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang panyo, nadadantayan ng pisngi.
Buti pa ang baso, dinadampian ng labi.
Buti pa ang unan, inaakap sa gabi.
YUNG IBANG TAO, HINDI PUEDE.

Buti pa ang kamalian, napapansin.
Buti pa ang salamin, minamasdan.
Buti pa ang hininga, hinahabol.
YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang tindera, nagpapatawad.
Buti pa ang awit at tugtog, pinagsasama.
Buti pa ang sugat, inaalagaan.
YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang lungs, malapit sa puso.
Buti pa ang bra, kakabit ng dibdib.
Buti pa ang kotse, mahal.
YUNG IBANG TAO, HINDI.

Buti pa ang pera, ini-ingatan.
Buti pa ang mahjong, sinasalat.
Buti pa ang damo, dinidiligan.
YUNG IBA DIYAN, HINDI.

Buti pa ang sobre, nadidilaan.
Buti pa ang susi, naipapasok.
Buti pa ang itlog, binabati.
YUNG SA IBA DIYAN, HINDI.

Buti pa ang doorbell, pinipindot.
Buti pa ang keyboard, napi-finger.
Buti pa ang bola, nilalaro.
YUNG SA IBA DIYAN, HINDI.

Buti pa
Magtrabaho ka na
At BAKA MASISANTE KA PA! *@&#^#%!

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    HUMOR

    Anu Itu?

    Sino nakakaintindi ng Nihonggo sa inyo? Alam nyo ba meaning neto? Ako alam ko pero ...

    2 Comments

    1. i love this! super favorite ko ang buti pa ang itlog, binabati..sana itlog na lang ako. char! good morning hot mama maru!

      1. @zaizai, ako naman ang dami kong gusto. Gusto ko maging mahjong, damo, sobre, doorbell, keyboard at bola! Hahaha!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:HUMOR

    HUMOR

    Miss Gay Intro

    Super naaliw ako sa kababasa ng #msgayintro sa Twitter kaya gusto ko rin ‘to i-share ...

    Monday Humor 06.11.12

    “Hi! Good morning! Ako nga pala si Timothy Bradley, . . Ready ako na masaktan.. ...

    Bitterness Overload

    Ang keme ng mga ampalaya… Buti pa ang password, kahit sa utak lang hindi makalimutan. ...