KevinParenting and Children

Mi Hijo Hermoso

I like my son’s sense of humor. Ilang beses na rin nya ako napatawa sa mga hirit at kwento nya. At nagpapasalamat ako dahil bukod sa naging magandang lalaki sya, courtesy op kors of yours truly, namana nya dahil sa taglay kong gandang-orihinal (chos!),  eh natural pa ang pagiging funny ng unico hijo ko. 😀

Aminin na natin, plus pogi-points talaga sa lalaki pag may sense of humor, di vah?

Kaya nakakatuwa at parang tumataas na yata ang market value ng anak ko. Sa mataas at tamang halaga ay malamang pwede ko nga siguro sya maibenta o maibugaw sa matrona o bakla balang araw. Jooooke!

DSC05808

 La madre bonita y hermosa con su hijo hermoso. Charos! Punyemas!

Kahapon lang, binulaga na naman nya ako sa pagpasok dito sa kwarto ko.

KEVIN: "Ma, may joke ako."
AKO: "Hmmmn ok, ano?"
KEVIN: 
             "ANAK: ‘Nay, asan ba ang Pacific Ocean?"
            "NANAY: Yan! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Kung saan-saan nyo kasi iniiwan. Tapos, pag nawawala na, sa akin nyo hinahanap! @#%^&$#!"

 

Happy Friday lovelies!

 

oOo

Tatlong bagay lang naman ang masarap sa mundo, ang LIBRE, ang BAWAL at AKO!

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Keziah

    Replica

    …of myself.   oOo “The secret to happiness is counting your blessings while others are ...

    4 Comments

    1. oh my gulay! mamaru kung hindi ko binabasa lagi tong blog mo at makita ko bigla tong pic nyo, indi ko maiisip na mag-ina kayo, parang magjowa lang talaga hehehe

    2. Elen dear, pwede pa pala ako mag dyowa ng bagets? Onga, ang laki na ng panganay ko….ako lang talaga ang hindi lumaki sa amin. Kainis!

      Habang lumalaki ang unico hijo ko…mas lalong nagiging sweet yan sa akin kumpara noong maliit pa sya. Kaya ang sarap din pag malalaki na ang mga junakis.:P

    3. mapapasakamay ko din yan mamaru…bwahahaha!! *tawang-rapist*
      hahahah..

      nga pala,sent you a message sa fb about my newly opened mini-business heheh..

    4. Lukaret!

      FB message? Bago? Nabasa ko na kasi yung message mo last January tungkol sa business mo at huyyyyy! Nag-LIKE na ako dun ha! Goodluck sa bisnis mo, langga. At sana maging bonggels yun. 😀

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:Kevin

    Usap 015: Boyfriend

    Last week nag usap kami ng unico hijo ko via teks-teks . MAMARU: “Son, pagsweldo mo ...

    La Mia Familia

    This is my happily ever after.   oOo “It’s not what We have in life, ...