Personal Thoughts

Monday ME Time

ME TIME … my quiet moments… the “in between” pauses na gusto kong makasanayan para sa SARILI ko na naumpisahan ko ng mga ilang months na rin. Sana nga ay maging kaugalian ko ang mag ME Time sa mga darating pang araw…hanggang sa pag tanders ko at hanggang sa araw na matigok ako. Eto ang simpleng kapritso ko na sa tingin ko ay magandang gawin bisyo para sa sarili.

Mga ateng, wag mag-atubili na gawin ang ganitong oras para sa sarili kahit paminsan-minsan lang. Iisa lang  naman ang buhay natin eh pagaanin na kahit na ang totoo ay may kahirapan talaga ang mamuhay ngayon. Iisa lang din ang katawan natin, aba eh alagaan na rin!

Heniways, gusto ko sana gawin ang frequency ng ME Time ko ng weekly pero dehins ko pa afford na maisingit sa regular budget ko kaya every other week na lang muna.

Sa totoo lang, marami naman talaga akong oras para sa sarili ko kasi tatatlo lang naman kami dito sa mansyones ko. Pag nasa school ang mga bagets ko…well, solo ko na talaga ang mga oras ko para sa sarili ko dito sa bahay. Pero minsan, siempre…gusto ko rin yung nasa labas ako para naman maalikabukan ang ganda ko, yung makalanghap ng buga ng usok mula sa tambutso ng jip ang baga ko at masikatan ng araw ang mala-sutla kong kutis. Wahihi!

Paano nga ba ako nag Me Time kanina?

Hmmm…nagpa-foot spa si Mamaru ng face.

Eto, nag-kodak ako. Alam nyo bang sa mga katas ng ubas nakalubog ang mga paa ko dito?

Siempre wish ko lang yun at hindi kayo maniniwala kasi ume-exaj lang aketch. Hehe!

 mani pedi

Hahahaaaaay…sarap ng feeling talaga habang minamasahe ng inupahan kong julalay ang mga paa ko. Sharoot! 

After that, nagkape ako sa kalapit na coffee shop. Paminsan-minsan eh gusto ko nasasayaran naman ang tonsil ko ng ibang kape at hindi yung puro Nescafe 3-in-1 na lang lagi.

cafe mocha 

Then…pa-browse-browse kay bespren Google, at pakopya – kopya ng mga quotes na naaangkop sa kasalukuyang nararamdaman ko.

DSC01376

Pakuya-kuyakoy ng mga ilang minuto pa at pag naubos ang kape…aba eh siempre uwian na!

Ganun lang naman ang ME Time ko kanina.

Next time, pag nakapag ipun-ipon ako, balak ko naman i-treat ang sarili ko sa SPA. Maglulunoy ako at maliligo sa bathtub na puno ng gatas (kondensada). 😀

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Umay

    May mangilan-ngilan na nakapansin at nagtanong sa akin kung bakit mga ilang buwan na rin ...

    Taon 2008

    Kahuhugot ko lang sa piktyur na ‘to mula sa lumang baul ko na may nakatatak ...

    Refreshed

    Dear July 24, 2014, Today, I took a bath. 😛 And. . . Ako ‘to, ...

    2 Comments

    1. sarap naman..ako din pag uwi ko mag ME time din ako…mag sa spa ako..or pa laser sa kili..dami na kc damo…hahahaha

      1. @Ceb2Ak, lawn-mower na yata kelangan diyan. Pag medyo kumapal na…taniman mo ng luya!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    How Do You Do Today?

    Dear July 23, 2014, Today, I laugh like I’ve never been lonely.   Ako ‘to, ...

    Mamaru Sans MakeUp

    Uma-aura ang Mamaru today! Hihihi! May pa sans-sans meyk ap pa. As if naman may ...

    Bon Voyage, Clarisse

    Isa sa pinakaaabangan kong pangyayari last December ay ang muling pagkikita namin ng kababata kong ...

    Pinay

    Photo courtesy of Google May nakausap akong porener. (Matinong foreigner). Diborsyado. At naghahanap ulit ng ...