Living AreaOur Home

Our Home – Living Area

BEFORE (December 2008)

living area

Fourteen years bago napalitan ang rattan sala set namin. Karamihan ng mga furniture namin noon..kaedad ni Keziah. Kung hindi pa uuwi si Kups, baka ganyan pa rin ang tsura. Ang lumang TV namin na hand-me-down ng brother ko, gusto na ni Kups na ipatapon. Siempre hindi ako pumayag. Ako pa! Gumagana pa naman kasi. Inilipat ko sa kwarto at hinanapan ko talaga ng espasyo.

AFTER (July 2010)

DSC00778

Ganitong arrangement pa lang ang pwede kong gawin sa area na ‘to na malapit sa main door namin. Kulang-kulang pa ng furniture/furnishing. Basta ang gusto ko lang – less clutter.

DSC00779_2

Light beige na pintura ang unang ipinalit ko sa living area namin. Kaso hindi naging maganda ang epek.

DSC00689

Parang ang lungkot at ang dilim ng epek kahit puro kami bintana dito sa bahay. Hindi kasi maganda ang pagka-mix ng tint. Kaya pinapalitan ko ng light yellow na shade.

DSC00688

DSC00691

Karamihan ng mga furnishings namin sa ngayon, pinabili ko lang sa brother kong si Evan na nasa Manila. Hirap din kasi dito sa probinsya namin wala masyadong choices o tindahan na mapupuntahan para sa mga gusto mong gamit sa bahay o deco.

Dumayo pa si utol ko sa Cubao para maghanap ng SALE ng mga lamps na gusto ko. Gusto ko kasi yung naka-SALE lang. Hehe! Yung dalawang lamp sa itaas puro 50% off. P1500 yung stand lamp at P1,300 naman yung maliit.

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    6 Comments

    1. Danda naman mamaru, kahit ako gusto ko sa bahay less clutter.. ang mga muwebles.. BONGGA!

      Wish ko lang okay na ang kups mo para makauwi na sila ng mga bagets!

      1. Belle, natawa naman ako sa term mong “muwebles”. Kasi pag nakakarinig ako ng “muwebles” yung mga furniture na purong kahoy talaga…yung mga primera klase bagah. Tsaka parang pang mansion ang dating sa akin ng terminong “muwebles”…o baka ako lang ‘to. Hehehe!

        Oo nga eh, sana gumaling na bossing ko. Araw-araw ko pa rin na ipinagdadasal yan kahit lukaret ako at hindi madasalin.

        1. hehe.. sakin naman po, pag muwebles, kagamitan ng mayayaman! haha.. kanya kanya talaga ng perception.. kaloka!

          kahit naman po lukaret pinakikinggan din ni Bro.. =)

    2. ang ganda naman ng bahay mo, nakakuha tuloy ako ng idea na pwedeng gawin sa bahay ko, kahit maliit lang..salamat at nagpost ka ng ganitong topic sa site mo..

    3. minimalist approach, careful and well thought selection of the simple yet elegant house furniture really create an absolutely stunning ambiance that only a few can express and present..you’re one of them! (good job!)

    4. hi ms.maru ganda ng pgkkayus m s bhay mo.Iba tla mga mommy pag dting s bhay!Galing mo nmn ms.maru nanggarap din aq mging ganyan kaayus at kgnda ang bhay ko!Kkaaliw ito blog mo!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:Living Area

    Martes

      Masarap umpisahan ang araw ng Martes sa maaliwalas at tahimik na umaga.  

    Aylabit

    Lab lab lab ko ang bagong throw pillow covers ko sa living area namin. Na-shoplift ...

    Workstation

    Mamaru’s workstation Keziah’s workstation Kevin’s workstation Toink! Nagdalawang isip ako kanina kung isasama ko pa ...