GENERAL

Paano Malalaman Kung Tunay Na Lalake Ang Anak Mo

Kung nagawi na kayo sa blog na HAY!MEN!, siguradong nabasa nyo na rin ‘tong manifesto ng tunay na lalake na nakabalandra sa sidebar nila dun.

MANIFESTO NG TUNAY NA LALAKE

  1. Ang tunay na lalake ay di natutulog.
  2. Ang tunay na lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
  3. Ang tunay na lalake ay laging may extra rice.
  4. Ang tunay na lalake ay hindi vegetarian.
  5. Ang tunay na lalake ay walang abs.
  6. Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw.
  7. Ang tunay na lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
  8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.
  9. Ang tunay na lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
  10. Ang tunay na lalake ay di nagsisimba.

Hindi ko maiwasan na hindi ‘to i-blog dahil sa nadiskubre ko kaninang umaga habang nilalabhan ko ang mga maruruming damit ng only bigatin son kong si Kevin (18 years old).

Kung pagbabasehan ko ang nakasaad na manifesto ng tunay na lalake sa itaas, walang kaduda-duda at sientoporsiento, TUNAY NA LALAKE ang unico hijo ko!

At bakit ko nasabi? Paano ako nakakasiguro?

Dahil yun DITO!

skidmark

“8. Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.”

Pasok na pasok sa Manifesto # 8 ang anak ko!

Okinams!! Muntik na ako himatayin sa gulat. Hindi ko alam kung magmumura ako kanina o matutuwa. Pero mas pinilit ko na lang na matuwa dahil napatunayan kong isang tunay na lalake ang panganay ko! Yey! Wahaha!

Wala na akong masabi. Sa totoo lang, isa ‘to sa mga hindi ko maintindihan sa mga lalake! Ayuf talaga!

Jos ko! Wag lang din sana mabasa ng anak ko ang blog kong ‘to at lagot ako.

Enways, ikaw? Tunay ka bang lalake?

P.S.

Hindi ko nakunan ng piktyur ang aktwal na brip ng anak ko dahil sa totoo lang ayaw ko tingnan. Hinugot ko lang sa Google ang piktyur na yan sa itaas. Pero parang ganun na ganun yun. Lol!

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Miss Na Kita

    Miss na miss ko na siya ng sobra. Pero hindi man lang nagte-text ang kurimaw. ...

    Wednesday Humor 05.14.14

    Mga senyales na tumatanda na ang lalaki:1. Lumalayo ang paningin, lumalapit ang pag ihi.2. Nakaupo’y ...

    Monday Humor 04.07.14

    Nagkita sa heaven ang kaluluwa ng isang GRO at ng madre…MADRE: “Di ba GRO ka ...

    17 Comments

    1. lol nakakatawa ito, ang tunay ba na lalaki entry, sana ang tumawa tunay na lalaki

      1. hmmmn…may tanong ako. nakaka-relate ka ba dun sa brip? hahaha! mwah!

    2. wow bagong ayos na nman bahay mo mamaru!
      at sana lang nga hindi ito mabasa ni kevin kc bka magalit sya sabihin nitsichismax mo sya d2 sa blog mo..nyahaha..pero natawa ako dun sa listahan ni haymen ha!..hehehe
      .-= ikay´s last blog ..Wenesday is my DAY! =-.

      1. hello ikay! ano say mo sa bagong ayos ng blogtsina ko? alam mo naman ako…madaling magsawa.

        hindi magagalit sa akin anak ko, takot lang nya na hindi ko labhan mga damit nya. hehe!

    3. ako maru, kahit may mga bagay sa list na nagaaply sa akin, taas nguso kong sasabihing di ako tunay na lalake 😛
      .-= zaizai´s last blog ..Friendly Weekend =-.

      1. kaya nga bilib ako sa u kasi talagang itinataas mo ang bandila nating mga hindi tunay na lalake. hehehe!

        proud din ako as babaeng jokla. lols.

    4. ganda bahay mo mamaru. simple pero rock.

      1. kahit in real…madalas ako magbago ng ayos ng bahay. napaghahalata tuloy akong madalas magbago ang isip.

    5. hi mamaru!

      waaa!’yung mga boylets q pinasanay q n mgpalit ng brip 3x a day..anu mngyayari sa kanila?haha

      1. 3 times a day? langya! parang ayaw ko naman ng ganun at patay ako sa paglalaba. hehe!

        hintayin mo na medyo lumaki laki ang mga boylets mo. at sana wag ka himatayin kung mangyari din sa kanila yung #8. hahaha! have a nice day, bakekang.

    6. haha!..eh ganun kc aq at ska tinulad q lng ang mga boylets q mga girlets q haha..pinapahiran q p nga sila ng lotion isa2 hayz..nkakamiss!

    7. POTAH KA, MAMATAY AKO KAKATAWA……LANGYA KA TALAGA.

      1. napapamura ka kasi nakaka-relate ka ano? kadiri kaaaaaaa!

    8. ukinam pe laman!!!

    9. alam ko yung tunay na lalake na blog! idol ko un.

      pero clinose na ata. totoo ba? hindi ngrereply sa email nila eh.

      check nyo.
      .-= Gusto mo mambabae? click here!´s last blog ..Babaero Moves : Huwag magsuot ng bright colors na damit sa date ng ibang Babae =-.

    10. ako di ngttxtbak pero pg wlang lod..
      haha!
      plaging my extra rice!
      di nga ako mrunong sumayaw eh..
      paminsan minsan pg umutot aq minsan my ksamang yamas..
      hahaha!

    11. eh bakit ako, walang abs, laging may extra rice, hindi vegetarian, hindi sumasayaw, di naghuhugas ng pinggan, di nagsisimba, pero bakla ako.

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:GENERAL

    Home Alone

    Bago ang lahat (ako lang ang luma), lemme greet each one of you – Pi Nyo ...

    Wednesday Humor 09.18.13

    Letters: Dear Ka Nur, Maraming salamat po sa kooperasyon. Tatanawin kong malaking utang na loob ...
    GENERAL

    Thursday Humor 08.15.13

    TEACHER: “CLASS! anong bagyo ang pinakamalakas na sumalanta sa ating bansa?” JUAN: “Ma’am! TUKSO po!” ...