Parenting and Children

Parang Kailan Lang

screenshot_52

More or less 5 years na yata ang huling nagkasama-sama kaming mag-iina na lumuwas ng Manila. Netong mga huli, kadalasan si Keziah na lang ang lagi ko nakakasama sa biyahe at laging nagpapaiwan sa bahay yung bagets kong lalaki. Hindi ko naman mapilit noon kasi nga nagbibinata na at ayaw na sumama o bubuntot-buntot sa nanay. Teenager na kaya mas gusto pa nya ang maiwan sa bahay at magpaka-adik sa online games. Hinahayaan ko na lang kasi gusto rin nya yung nagiging independent sya paminsan-minsan.

Ngayon, kumpleto kaming bumiyahe para makilanghap sa polluted na hangin ng Manila. Makikikain ng noche buena sa bahay ng bunso kong kapatid. Makikipasko.

Napaaga ang dating namin sa airport ng Cagayan De Oro noong isang araw kaya ang tagal namin na nakatambay sa pre-departure area, siguro mga 2-3 hours din kaming naghintay ng flight namin bound for Manila. Parang nakakapanibago sa akin ang biyahe namin na ‘to kasi malalaki na ang mga kasama kong mga anak na dati-rati eh akay akay ko o karga-karga ko tuwing may biyahe kami. Ngayon parang ako na ang pwede nilang kargahin. Lol.

Parang kailan lang sa magkabilaan na hita ko sila nakaunan, tulog habang nasa biyahe. Ngayon, ibang iba na and as ive said, nakakapanibago. Parang mas enjoy ngayon kasi nakaka-kwentuhan ko na sila ng seryoso. Nagkakabiruan na kami. Parang mga barkada ko nga lang ang mga kasama ko. Tawanan. Kilitian. Halakhakan. Asaran.

Hindi naman nila pers taym na bumiyahe ng eroplano pero mas napansin ko ngayon na mas observant sila sa mga nangyayari sa paligid. Parang gusto nila tandaan ang mga ginagawa namin habang bumibiyahe. Kanya-kanya kaming bitbit ng mga bagahe namin. Sadyang marami talaga ang naituturo ang pagbibiyahe. Isa ‘to sa mga leksyon sa buhay na hindi naituturo sa loob ng school classroom – ang exprerience.

Next year, college na si Kevin. Umpisa na ng pagbubukod nya sa amin. Mga apat na taon pa siguro mula ngayon, si Keziah ko naman ang magko-kolehiyo. Waaaaahhh! At maiiwan na ako mag isa. Huhuhu!


What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Keziah

    Replica

    …of myself.   oOo β€œThe secret to happiness is counting your blessings while others are ...

    Usap 015: Boyfriend

    Last week nag usap kamiΒ ng unico hijo ko via teks-teks . MAMARU: “Son, pagsweldo mo ...

    8 Comments

    1. goddess! mabuti naman at safe kayong nakaluwas mag-iina. πŸ˜€ uuyyy.. senti mode. hay ganun talaga, ambilis ng panahon. Merry Christmas sa’yo at sa iyong dalawang angel. πŸ˜‰

      jojie’s last blog post..itanong mo sa adsense. hmmmm?.

      MARU: jojiepie, merry christmas to you! thank you for being so sweet. πŸ˜€

    2. Masarap talagang makasama ang pamilya. lalo na pag ang tagal nyong di nagkita-kita. carpe Diem mamaru.

      iceyelo’s last blog post..mantsa!

      MARU: Merry Christmas, ICE!

    3. oh may ged… nasa manila na kau ngaun ate? gud luck sa son mong magka-college.. skulm8 pala kami? hehehe.

      weng’s last blog post..Christmas gift ni ate Hanmae.

      MARU: Merry Christmas, weng!

    4. goddess because i lab you may tag ka sa akin. πŸ˜‰

      http://www.jojitah.com/2007/12/22/the-reyna-loves-me/

      jojie’s last blog post..The Reyna Loves Me

      MARU: nyahaha! jojiepie! b-4 new year ko na lang sagutin to ha? bz pa kasi ako sa mga interviews, pictorials, press conferences tsaka mall tours ko. πŸ˜€

    5. bakit, sa maynila ba sila mag college? kaya nga ngayon pa lang e enjoy na enjoy na bitbit ang mga bata kahit saan, kahit nga sa kama nakabuntot rin sila eh, hehe… maligayang pasko!

      kengkay’s last blog post..Beinte Lang

      MARU: mamikengggg! korak! make the most of it habang maliliit pa ang mga kiddos mo. minsan lang sila bata. maligayang pasko, mamikeng!

    6. naku, magkokolehiyo na ang boylet mo, mangangamba ka na sa mga chiching nyan lols πŸ˜†
      sarap kantahin yung sa comm’l ng MCdo…
      pana panahon ang pagkakataon..maibabalik ba ang kahapon…. πŸ˜€

      maru maru xmas sayo :-*

      MARU: hay naku mine, may gf na nga eh. pero ok lang..cool naman ako eh. well, sooner or later…kakawala na rin yan sa kwadra ko.

      meri kristmas to you dear..tsaka sa batibot mo. πŸ˜€

    7. welcome sa maynila’
      merry christmas, maru!

      Jon Cabron’s last blog post..naisip ko lang..

      MARU: salamat idol. labyu!

    8. wishing you a merry christmas from the bottom of meow heart. mwahhhh

      pusa’s last blog post..merry christmas

      MARU: merry christmas to you, pusapie! mwaaah!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    Nineteen

    Today is my unica hija’s 19th birthday kaya nationwide walang pasok sa mga school at ...

    Keziah @18

    Susmio! Mga 3 araw na lang at matatapos na ang month of March. Aabutan na ...

    Kevin Turns 23

    Today, my bebeboy Kevin turns 23! Siya ang unang dahilan kung bakit natigil ang maningning ...

    Hamishim

    20 days na ang nakakalipas mula ng lumuwas ng Manila ang unico hijo ko. En ...