HUMOR

Pinoy Banat 3 (Cheesy Punchlines)

screenshot 111

  • “Hindi mo pa nga ako binabato, Tinatamaan na ako sa’yo.”
  • “Matalino ka ba? Sige nga, sagutin mo ako.”
  • “Walang taong panget. Depende lang sa katabi.”
  • “Kahit alam kong lamang ako sa kanya, Meron pa rin siya na wala ako, “IKAW”.”
  • “Sa’yo na lahat ang SSS ko. Pati PHILHEALTH ko. Basta akin ang PAG-IBIG mo.”
  • “Ini -SMALL ka ba nila? Inii-BIG naman kita.”
  • “Ang “kaibigan” ay isang makahulugang salita… Dahil paano ang “ibigan” kung wala “ka”?
  • “Pinaglihi ka ba sa keyboard? Type kasi kita.”
  • “Sabi mo noong tayo pa, ikamamatay mo pag nawala ako. Ngayong wala na tayo, tuparin mo naman yung sinabi mo… “Mamatay ka na!”
  • “Laging Tandaan: Basta may ALAK, may BALAK!”
  • “Magaling ka ba sa Algebra? Kase, I want you to substitute my X eh!”
  • “Aanhin mo pa ang maraming online, kung si CRUSH naman ay offline?
  • “Sabi nila, minsan, sa buhay natin, kelangan mamili kung yung taong mhal mo o mhal ka! Hello?! Di na uso yun ngayon. Ang tanong.. Yummy ba siya?”
  • “Sa BEER ako naging gago, sa GSM ako naging tarantado, sa REDHORSE ako naging barumbado, pero SAYO ko NAGBAGO” mas matindi kase TAMA ko sa yo.”
  • “Kung nabibili lang ang mga taong hindi nanloloko.. Kahit mahal pa yan, pag-iipunan ko..”
  • “Sinong may pampalaglag? Ang lakas kasi ng kapit niya sa puso ko.”
  • “Sabi nila pag dinilaan mo daw ang pagkain mo wala ng aagaw sayo.. Dilaan din kaya kita, Para hindi ka na maagaw ng iba?”
  • “Aanhin pa ang libro kung scholar naman ang katabi ko.”
  • “Height ko man ay bitin , abot langit naman kitang mamahalin.”
  • Kailangan ko na ata mag pa doctor,may nararamdaman na kasi ako para sayo e.”
  • “Para kang bato sa langit…Tinamaan ako ngunit hindi nagalit, sa halip…UMIBIG.”
  • “Para kang braces, kahit masakit, kailangan pa din kita .”
  • “Modem ka ba?Because I find a connection in you.”
  • “Kung di sana nalikha ang SUN,ako sana ang hottest thing ever created!”

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    HUMOR

    Anu Itu?

    Sino nakakaintindi ng Nihonggo sa inyo? Alam nyo ba meaning neto? Ako alam ko pero ...

    1 Comment

    1. Like it! Even though it is corny

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:HUMOR

    HUMOR

    Miss Gay Intro

    Super naaliw ako sa kababasa ng #msgayintro sa Twitter kaya gusto ko rin ‘to i-share ...

    Monday Humor 06.11.12

    Hi! Good morning! Ako nga pala si Timothy Bradley, . . Ready ako na masaktan.. ...

    Bitterness Overload

    Ang keme ng mga ampalaya Buti pa ang password, kahit sa utak lang hindi makalimutan. ...