My Cooking

Rice Conditioner

Ang bonggels na talaga ng panahon. Dati hair conditioner at fabric conditioner lang ang alam kong meron. Ngayon pati bigas may conditioner na rin!

Hindi nakakapagtaka kung balang araw ang suka, toyo at asin eh may conditioner na rin. Charot.

Hmmn at kelan naman kaya magkakaroon ng Lactacyd Feminine Hygiene with Conditioner? Well, ok lang kung wala. Hindi ko kelangan. Wala naman kasi iko-condition dun sa akin. Hihi!

Heniweys, lately, eto at may dinagdag ako sa kodigo ko sa pamamalengke kasi na-curious ako nang mapanood ko to sa TV. Ang bagong Knorr Rice Mate.

Knorr RiceMate2

Tig-tupipti (P2.50) lang naman ang per sachet kaya buy ang Mamaru ng sandosena.

Ang chika na naka-print dun sa packaging:

  • tsek! – tamang lambot at lagkit
  • tsek! – bagong-ani ang bango at lasa
  • tsek! – may Vitamin A at Iodine

 Knorr RiceMate3

Ihahalo lang sa sabaw ng sinaing ang puting powder.

Since yesterday nilalagyan ko na ang sinaing namin ng Knorr Rice Mate at ang bango! Amoy-Pandan, mga ateng! Kunsabagay, nasa packaging naman talaga ang picture ng Pandan leaves.

Knorr RiceMate

Ang tarush! Lumalabas na pag may Rice Mate eh kanin pa lang, ulam na! Lol!

Tama naman ang claim ng produkto, melembot at mebengo ang sinaing.  Hindi ko masasabing parang bagong-ani ang lasa kasi hindi pa ako nakakakain ng kanin na bagong-ani.

Palagay ko malulungkot na ang mga tirador ng kaning-lamig sa produkto na to ng Knorr. Kasi pag ganito lagi ang sinaing nyowalang magiging BAHAW. 😛

 

 

oOo

Piliin mo yung may class, hindi yung mukhang takas.

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    5 Comments

    1. bonggels ang product! sunod nyan baka may ‘lalaki conditioner’ na, para sumarap ang mga lalakeng bahaw hehe 🙂

    2. matry nga, Tamang Lagkit.

    3. @ Zaizai: Malakas ang kutob ko na pag nagkatotoo yan…mamamakyaw ka! Tsura lang ng hoarder. Aminiiiiiin! Lol!

    4. @Mondz: Wag mo na i-try. Madalas mo na gawin yan….yang Tamang Lagkit. 😛

    5. My mom got many of these as a prize. I tried one last night and today. It really makes rice whiter and better. Smells pandan too. I like the result, except for the sweetener, so Im making a research. Some say that its not good for human consumption because of Maltodextrin which can cause Diabetes.

      We have a pandan plant in our garden, and I think adding a pandan leaf to your rice is STILL way way better and cheaper compared to using this product.

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:My Cooking

    Egg Rolls and Hero

    Kanina lang, nagbate ako ng itlog. 😛 Masarap sa almusal ang binateng itlog. …at gawing Egg ...

    Banana Cake

    Hindi ko na maipagpabukas pa ang pagbe-beyk ng Banana Cake gamit ang Ate Shawie’s Banana ...

    Banana Loaf Cake

    3 days ago, nabalitaan ko na mag-uumento daw ang presyo ng LPG ng bonggang-bongga. ‘Kako ...