Everyday LifeLiving AreaOur Home

Sabado Night

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling el bimbo gimik ko yata ay kami ang magkakasama nina Moo at ng pamangkin kong si Tweetums noong nakaraang April pa. Nyeta! Tagal na talaga nun ha! Hays…wala kasing ka layp-layp ang mga gabi dito sa probinsya.

Habang kasalukuyan yata ang karamihan ng mga tao sa Pinas ay natataranta kung papano wawaldasin sa mga malls ang mga natanggap nilang bonus at 13th month pay, at habang ang iba rin ay mga nasa gimikan dahil sabado night nga at para magpakasasa sa mga sweldo nila, at dahil walang ganung mga privileges/bonuses si Mamaru, kaming mag-iina ay nakuntento nag sabado night sa bahay lang at nanood ng DVD.

Hindi na ako nagluto ng hapunan kagabi. Para naman makapagpahinga ang mga kamay ko sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan, nagpa take-out na lang ako kay Kevin ng walang kamatayan at hindi yata pinagsasawaang chickenjoy ng Jabi!

Unang DVD na pinanood namin (ulit) ay ang ITALIAN JOB, hindi pa daw kasi napapanood ni Keziah. Kakaiba ang bonding moment namin kagabi ng mga junakis ko kasi suspense thriller ang sumunod na DVD na isinalang namin. Pucha! Kauumpisa pa lang ng movie ay nagsisiksikan na kaming tatlo sa sofa.

Yung pwesto namin? Bale ako yung naka-yellow sa drawing. Si Keziah, naka-pink at si Kevin yung blue. Gusto ko sana nasa gitna ako kaso ayaw pumayag ni Keziah…ayaw daw nya sa gilid kasi natatakot din. Wahihi! Pinatay namin ang ilaw at krismas lites lang ang iniwang naka-ON.

Hindi ako mahilig sa mga horror o suspense thriller na movies. I am more into chick flicks. Yung mga lab story. :D Kaso hindi pa raw napanood ng mga bata ang WHAT LIES BENEATH kaya sige kako, panoorin natin.

Kung sino man ang nakapanood WHAT LIES BENEATH sa inyo, sows! wag kayong plastik ha, umamin kayong nagulat din kayo sa mga eksena ng pelikulang to! Baka nga umurong din mga betlogs nyo sa sobrang suspense.

As usual, hindi ko natitigan ang mga eksena. Iniharang ko sa ulo ko ang Christmas tree na nasa tabi ko habang nanonood para hindi ako masyado magulat. Hehe! Ay naku, dehins na talaga ako nahiya sa mga bagets ko sa porma ko. Todo-volume pa ang sound namin kaya talagang lafftrip ang mga tsura namin habang nasususpense. Kami-kaming tatlo rin ang nagtatakutan at naggugulatan!

Yung bagets kong lalaki, kunyari hindi natatakot. Pa-astig pa kunyari. Pero pag tinatanong ko naman kung ano na ang nangyari dun sa mga eksenang napapapikit kami….eh di rin nya alam. Yun pala eh napapapikit din pala ang kolokoy. Wahaha!

Napanood ko na ang movie na ‘to sa loob ng sinehan noon at inaaamin kong hindi ko naintindihan ang storya dahil hindi ko makakalimutan na nakapikit yata ang mga mata ko for most of the time, nakasiksik at nakataas ang mga paa sa upuan. Taena! Nagsayang lang talaga ako ng pera noon!

After watching WHAT LIES BENEATH kagabi, sunod na pinanood namin (ulit) ang TRANSFORMERS para pampawala ng nerbyos kuno.

Ayun! Naka-tatlong LUMANG pelikula din kami bago natulog. Eto ang naging damage ng SABADO NIGHT namin:

Total Jollibee receipt……………………P271.00
1 liter Coke ………………………………        22.00
Happiness/enjoyment…………………Priceless

Salamat ulit sa DVD sponsor namin… courtesy of DEFPOTEC.

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Everyday Life

    Taho

    Sa halagang tig P20.00 bawat baso, may mainit-init na taho kami para sa umaga ng ...

    9 Comments

    1. Ayos, bonding. I wonder kung anong ginawa mo noon sa sinehan kaya hinde mo naintidihan ang What Lies Beneath. Harhar.

      1. @kirksydney, kasama ko mga opismeyt ko dati nung nanonood kami nyan. saya siguro kung jowa ko ang kasama ko noon… kasi malilibre ako sa bayad ng sine 😀

    2. ang saya naman. parang gusto ko rin mag-movie marathon with friends. hehe. havent watched the film yet, though i know its been released many many years ago.

      [ArisMape]s last blog post..Taming the Pen (A Writing Session)

      1. @[ArisMape], huwaw! may bago akong bisita sa blog ko. maraming salamat po sa pagdaan. pwede pa-kiss? beso-beso bagah. 😀

        1. Hahaha.. mwah mwah.

          [ArisMape]s last blog post..No Grudge (Perhaps)

    3. galing naman po madamme mamaru
      iba talaga kpag kasama mo ang mga junakis
      mas lalo kung ganito ang sinalang nyo

      texas chainsaw massacre 1234
      saw 1234
      amityville horror
      devils advocate

      yan cgurado, urong lahat

    4. ewan ko kung tama ba yung pagkakaintindi ko dun sa picture mo, ate, peroi bakit habang kampanteng-kampante kayong dalawa ni keziah na nakaupo, si kevin naman ay parang nakaFETAL POSITION sa isang dulo? to think, ayon sa iyong kuwento, siya yung pinakamatapang sa inyo.

      mas trip ko rin ang chic flicks kesa sa suspense pero masarap din ang manood ng ganito lalo na pag kasama ang boylalu.

      siangelnawalangpakpaks last blog post..Mr. X

      1. @siangelnawalangpakpak, tama ka sa napansin mo, ateng! ganun nga ang position nya…nakakuyakoy lang. Kunyari nga eh cool lang sya.
        hays….kelan naman kaya ako magkakaroon ng boylalu na makakasama sa panonood ng horror film.

    5. Yan ang talagang pricelesss na bonding… Miss q na rin gawin yan sa mga junakra q.. kaso masyado talaga aq busy sa workk… hopefully, magkarun sana kami ng tym na ganyan…

      Melais last blog post..I am dreaming of you

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    Everyday Life

    Pukeko

    Kababalik lang ng oldest sister ko sa Pilipinas galing sa 4 weeks na pamamasyal sa ...
    Everyday Life

    A Wrap Up

    Wednesday.  Sunny weather ayon sa forecast.  As usual, was up early morning for more or ...
    Everyday Life

    No Winner

    Year 2014  nang nagsimula akong ma-adik manood ng mga Korean tv drama series at movies ...
    Everyday Life

    Pasaporte 2

    Uy ha! Wala naman pala akong dapat ipag-alala sa renewal ng Pasaporte ko. Good job, DFA! Keep ...