DIY ProjectSewing Craft

Sew Happy – (DIY: Scarf Blouse)

O ha! Maniwala ba kayong nagawa ko ang dilaw na blusa kong itetch sa loob ng 3 oras lang kahapon? Wa istir! Short time lang, sir! 3 hours!

Antutink na hand-sewn ko lang to kasi wala akong pagmamay-aring sewing machine. Kaya nga payagan nyo kong magyabang sa accomplishment kong to kasi kinamay ko lang ang pagbuo nito, kahit simpleng blouse lang to.

Maru In Yellow

Sa halagang 50 petot ay may blusa na ang Mamaru. Kasi tig- 25 petot lang naman ang piraso ng scarf na to.

yellow scarves

Wala akong paper pattern na ginamit. Tantiyahan lang ang ginawa ko sa paggupit ng desinyo. Siempre, sa tulong ng isang tasang kape, gunting, tape measure, needles, pins, thread, kabataan, ganda, alindog at common sense tagumpay ang proyekto ko. 😛

DIY blouse

Back-stitching lang ang gamit ko para medyo pulido ang tahi. Aynaku, matutuwa ang titser ko sa Home Economics noong high school, kung saka-sakaling malaman nya na hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga turo nya sa akin noon. Nga pala, alam nyo bang ako mismo ang nagtahi ng graduation dress ko noong high school?

backstitching

Well, well, well! Alam nyo naman si Mamaru, hindi lang maraming alam na katalentaduhan na taglay sa kusinasa kama (kama? ows?)o sa buhay. Eto nga, may kakayahan din akong magtahi.

Inpak, hindi lang ng damit. Marunong din ako magtahi-tahi ng mga kwento. Joke!

backstitching

Ayan ang malapitan na chura ng back-stitching ko.

DIY scarf blouse

Ang dali-dali lang gawin at tahiin. Like ko ang mga ganitong style ng blouse kasi napaka presko.

DIY scarf blouse

Dyaraaaaan! For P50.00, may bagong pang-rampa na ako sa pamamalengke ko!

Maru In Yellow Blouse

Im sew happy! As in!

 

oOo

“Ang babaeng hindi natutumba, ay dating konduktora” – Ai Ai de las Alas, Ang Tanging Ina Nyong Lahat (2008)

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Buhay-Single Mom

    DIY: Wood Sign

    Katatapos ko lang maglagare, magmartilyo at mag-imprinta ng wood sign decors ko na rustic-rustican kuno ang dating ...

    14 Comments

    1. wow! ang galing talaga ni mamaru! maabilidad! 🙂

      1. @apollo, thank you.

    2. galing ah…sana nag terno na rin ng skirt..lol…pede mag pagawa Maru? sucker talented ka talaga..d beast na da beast sa talentadong noypi!!!

      1. @Ceb2Ak, pinag iisipan ko na gumawa ng panty at bra. Yung 2-piece, pang swimming. Hehehe!Worth P50.00 na naman na pang ligo. 😛

    3. d lang pala talented as a comedian pati sewing talent pala nice work.

      1. @ahl almada, marunong din po ako tumulay sa miswa. 😛 Mag cartwheeling na naka-stiletto, matulog na nakadilat ang mga mata, etc. etc.

    4. Talent! Haha. Ikaw na Mamaru.
      Ayus yung back stitching, parang makina yung ginamit, pantay pantay. Hahaha.

      1. @Yow, kelangan ang sandamakmak na tiyagaan sa pagtatahi talaga.

    5. super like! galing galing naman 🙂 perfect yan hotmamamaru, pag nabahing ka, may panyo na din 🙂

      1. @zaizai, sobrang natawa ako sa “pag nabahing, may panyo na din”. Grabe ka ha, wala ka talagang kupas sa mga nakakatawang hirit mo. Labyu!

        1. @MARU, haha mas lab naman kita hotmamamaru! I smile and feel inspired everytime I visit your blog! 🙂

    6. buti na lang balingkinitan ang katawan…kung hindi….hindi kasya ang 2 bandana lang hehehe….in fairness world record ata to???

      1. @boy_himud, world record ka jan! Exajs ka ha! Lol!
        Tama ka pareng boy, hindi ako pwedeng tumaba otherwise magiging hand towel na lang sya sa kusina namin pag hindi na kasya sa akin.

    7. Helo uli mamiru!Grbe kkaaliw k tlga!Super talented IKAW NA MAMIRU!!I like you ever promise!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:DIY Project

    DIY Project

    Raket

    Magpapasko…kelangan ko ang rumaket. Ayan, katatapos ko lang ng gumawa ng 1 dozen canvas bags. ...