BlogWorld

Sir, Tenkyu!

Ang weird ng Facebook account ko.

Minsan kasi tsine-tsek ko ang FB account ko sa selpon ko. At pangalawang beses na nangyari sa akin ang ganito: sa selpon ko, may natatanggap at nababasa akong messages sa INBOX ko, pero pag sinilip ko naman ang INBOX ko sa computer kowaley! As in wala ang mga messages dun. Kalurks!

Gaya na lang netomay message sa akin ang isang Mr. Junalabdullah Lami-in. Hindi ko tuloy ma-replayan agad ng pasasalamat kasi hindi ko to makita dun sa PC ko.

From Junalabdullah Lami-in: 1 day ago

Mga 2 weeks na rin siguro akong nagbabasa ng blog mo at di ko talaga maiwasan i-share sa mga officemates and friends kong pinoy. Nakakatuwa kasi.

Nakakatanggal pagod. Kakaiba yung banat mo.

Through your blog, napapasaya mo kaming mga Pinoy dito sa UAE.
Sana tuloy-tuloy pa rin po ang pagpo-post nyo.

Sir, maraming salamat po. Bilibit or not, simple at maiksi lang ang email mo pero kinilig ako. Hindi talaga ako nagsasawa tumanggap at magbasa ng mga ganitong klaseng mensahe. Sana sa susunod ay damihan nyo pa ang pag-email. Hehe! Sensya na, gusto ko lang po mamihasa. 😛 Masarap na kunswelo kasi.

Balik-balik Sampaloc lang kayo dito sa blog ko, sir. Uulitin ko, maraming salamat lalo na sa pagpapalaganap. Harinawa ay magkaroon pa ako ng maraming followers at sana ay maging isang ganap na kulto ang Maruism. Weee!

Hayssana pag naging ganap na kulto ang Maruism, ay gawin nyo kong diosa. Na ang attire ay naka-pekpek shorts lang at nakasuot ng boots na gawa sa purong balat ng et*ts. Chos!  

 

oOo

 

Friday Thoughts

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Thank You, Ladies!

    Wala man  akong jowa o fafa na pwedeng magbigay sa akin ng compliments para pagandahin ...

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:BlogWorld

    Templeyt

    Juice ko! Andami-dami kong gagawin na mga trabaho dito sa balur ko at mga ibo-blog ...

    Espesyal Na Bati

    Move over Manay Lolit Solis. Kasi. . .BABATI ako! . . Gusto kong batiin ang ...

    Exchange Links Tayo

    May blog o website ka ba? Gusto mong makipag EXCHANGE LINKS? Open ang MARUISM para ...

    Goodbye Friendster

    Kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ako sa pagliligpit ng mga ka-ek ekan at ka-shitan ko noon ...