My CookingPork

Slow Cooked BBQ Pulled Pork

hamilton-beach-slow-cooker Nag i-enjoy ako sa kagagamit ngayon ng Hamilton Beach SLOW COOKER ng sister kong si Millette. Inarbor ko pansamanta since wala naman time para magluto si Sis. (At sana hindi na bawiin.)

Aktwali, never pa nya talaga nagagamit ang cooker nya, as in brand new pa itey. Nasa kahon pa nga noon kaso nabaon ng putik nang masalanta ng bagyong Sendong ang bahay ng ate ko.

Noong Holy Week lang namin ‘to na-recover mula sa pagkabaon sa putik nung naglinis kami dun sa bahay nila.  Sa awa ni Lord, nang hiniram at pinauwi ko dito sa bahay, ok pa naman at gumagana pa. Ang swerte nga naman!

Grabe! Kung may datung lang ako, gusto ko magkaroon pa ng at least 3 units of Slow Cooker! Napaka-convenient kasi gamitin, time and energy saver  pa. As in! Para sa mga working moms kong mambabasa, naku! mamahalin nyo talaga ang gamit na ‘to pag nasubukan nyo.

Heniweys, eto ang isinalang ko nang bininyagan ko ang latest beybi ko sa kusina –

SLOW COOKED BBQ PULLED PORK 

Ingredients:

  • 1 kilo Pork loin
  • 2 Onions- Chopped
  • 12 oz BBQ Sauce
  • Season with Salt and Pepper to Taste

Instructions:

  1. Place loin in your slow cooker.

 DSC06894

2. Season with salt and pepper.

DSC06895

3. Place onions on top.

lean pork in a slow cooker1

4. Pour BBQ sauce on top.

marinade  

For homemade Barbecue Sauce:

  • 1 cup Ketchup
  • 1/4 cup Vinegar
  • 1 Tablespoon Worcestershire Sauce
  • 2 cloves Garlic, minced
  • 2 Onion, chopped
  • 2 Tablespoon Brown Sugar
  • 1 Tablespoon Paprika
  • Salt and Pepper

pork in slow cooker 

5. Cook on low for 6-8 hrs.

slow cooked lean pork 

slow cooked pork 

6. Shred pork with two forks and mix with sauce.

rice topping

Serve as rice topping…

pork flakes sandwich

Or serve on buns or sliced bread. 😀

Gabi ng tinimplahan ko ang meat at isinalang sa slow cooker. Hinayaan, iniwan at tinulugan ko para tamang-tama paggising ko ay may ulam na kami na bagong luto.

 

oOo

“Madaling sabihin na maraming lalaki, pero di lahat madaling mahalin.”

 

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    2 Comments

    1. mamaru, oras ang tagal ng pagluluto sa slow cooker, tanong ko lang, kamusta nmn ang bill ng kuryente kung lagi gagamitin yan?time/energy efficient kasi sabi mo po

      thanks

      1. Rosalie, siempre lahat ng appliances na ginagamit sa bahay na umiinit eh may konting sipa talaga yun sa kuryente. Yung sa kaso ko…mga once or twice in a month ko lang naman nagagamit ang slow cooker ko kasi takot din ako na baka tumaas ang bill ko pag aaraw-arawin ko ang paggamit ng slow cooker ko. Hehe! Pero alam mo, kung hindi nga lang isyu ang mahal na kuryente dito sa atin sa Pinas, malaking tulong sana talaga ang slow cooker. Hinding-hindi ka mapapagod sa pagluluto.

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    More in:My Cooking

    Egg Rolls and Hero

    Kanina lang, nagbate ako ng itlog. 😛 Masarap sa almusal ang binateng itlog. …at gawing Egg ...

    Banana Cake

    Hindi ko na maipagpabukas pa ang pagbe-beyk ng Banana Cake gamit ang Ate Shawie’s Banana ...

    Banana Loaf Cake

    3 days ago, nabalitaan ko na mag-uumento daw ang presyo ng LPG ng bonggang-bongga. ‘Kako ...