Personal Thoughts

Tatay Ko Po!

Today is January 5.

Birthday ng yumao kung TATAY.

Na-miss ko ang matanda. Yung last 3 years niya dito sa mundo, he spent it with me and my kids. Sinamahan at tumira sa akin si ama sa rason na kesyo na naaawa daw sya sa akin at single mom ako.

Achuchu! Ayaw lang aminin ni ama na ako ang pinaka-LABS nya sa lahat ng mga anak nya. (nyay! sana hindi ‘to mabasa ng mga kapatid ko.)

Si Tatay ko ang naging katuwang ko sa buhay sa loob ng 3 taon mula ng ipinanganak ko ang daughter kong si Keziah. Naging magaan ang buhay ko noong bagong panganak ako dahil si Tatay ang naging TIGASIN ng buhay ko.

Siya ang tiga-saing ko, tiga-bantay, taga-alaga, at taga-timpla ng gatas ni Keziah. Siya rin ang taga hatid-sundo kay Kevin noong nag umpisa sa school ang bagets ko. Taga-salo ko rin sya sa mga gawaing-bahay na hindi ko matapos-tapos sa sobrang pagod.

Sa mga pagkakamali ko noon sa buhay, I heard him say, “Life is what you maketh”. “Sa pagkakamali mo, huwag ka manisi ng ibang tao!” Pero sa sobrang ikli ng buhay, dagdag pa niya, “Life doesn’t have to swim in tears”! “Tumayo ka at umayos!” “Maganda ka, matalino, maalindog at cute!” (dagdag ko na lang ‘to). Harapin mo ang buhay!”

Da best talaga si Fadir, kaya naman tuwing sasapit ang January 5…di ko maiwasan ang medyo mag-emote. Nakaka-miss!

Siguro kung nabubuhay lang sya ngayon…nai-imagine ko na ang gara siguro ng cellphone unit nya na bigay ng sister kong si Millette. Siguro madalas syang papasahan ng load ng brother kong si Evan at malamang sagot din ni Ate Ellen ang pang-sabong niya tuwing Sunday.

Eh ako? Siempre malamang sagot ko na ang pagtuturo kay Tatay kung paano maglaro ng Ragnarok at Counter Strike sa computer. Sisiguraduhin ko na ako na bahala mag refer sa kanya ng mga magagandang porn sites sa internet. 😛

‘pi bertdey, ‘tay!

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Umay

    May mangilan-ngilan na nakapansin at nagtanong sa akin kung bakit mga ilang buwan na rin ...

    Taon 2008

    Kahuhugot ko lang sa piktyur na ‘to mula sa lumang baul ko na may nakatatak ...

    Refreshed

    Dear July 24, 2014, Today, I took a bath. 😛 And. . . Ako ‘to, ...

    2 Comments

    1. happy birthday sa iyong puji, hot mama maru! i’m sure e on line sya sa heaven version ng facebook 🙂
      .-= zaizai´s last blog .. =-.

      1. hahaha! sana follow din ako ni fadir sa twitter ko. :))

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    How Do You Do Today?

    Dear July 23, 2014, Today, I laugh like I’ve never been lonely.   Ako ‘to, ...

    Mamaru Sans MakeUp

    Uma-aura ang Mamaru today! Hihihi! May pa sans-sans meyk ap pa. As if naman may ...

    Bon Voyage, Clarisse

    Isa sa pinakaaabangan kong pangyayari last December ay ang muling pagkikita namin ng kababata kong ...

    Pinay

    Photo courtesy of Google May nakausap akong porener. (Matinong foreigner). Diborsyado. At naghahanap ulit ng ...