Buhay-Single MomEveryday Life

Usap 002

EKSENA: kaming mag-nanay galing nag dinner-out at habang nakasakay sa jip pauwi.

Kevin: (Katabi ko at idinidikit ang bibig sa tenga ko para bumulong.) “Ma, pwede ko bang ipakilala sa yo ang gerlpren ko?”
Ako: (Mejo nagulat) “Ha? Sino? Yung nag-aaral sa you-pee?”
Kevin: “Hindi. Matagal na kaming break nun. O ano ‘Ma, ipakilala ko sa yo ha?”
Ako: “Eh bakit gusto mo ipakilala sa akin? Maganda ba? :D
Kevin: “Ipapakilala ko lang sa ‘yo para nakakapunta sya sa bahay. Oo naman, maganda.”
Ako: “Ay ayoko. Wag!”
Kevin: “Bakit?”
Ako: “Shy ako eh.” (Aktwali, wala talaga akong maisip ibang rason.  Ayoko lang talaga.)
Kevin: “Nyee! Sus!”
Ako: “Pang-ilan mo na bang gf yan?”
Kevin: “Pang-anim.”

‘O ha! First year college pa lang ang bagets ko pero nakaka-anim na syota na. Tulis!

 

* * * *

Quote of the Day:

“You can tell a child is growing up when he stops asking where he came from and starts refusing to tell where he is going.” ~Author Unknown

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    8 Comments

    1. Nadi-distract ako habang nagbabasa dun sa mga nag-slide na pictures mo sa kanan. Kita kasi cleavage mo eh. Hehehe. = P

      Medyo matagal na din ako ‘di nakadalaw dito. Medyo busy din kasi Mamaru. = D

      The Gasoline Dudes last blog post..Pareng Radiskull

      1. men! men! men! ang dali nyo talaga i-distract. cleavage pa lang yan ha?

        misyu, gasul!

    2. Haha… I agree with Gasul…

      Kaming mga lalaki talaga.

      Gugols last blog post..Don’t You Blink-Blink

      1. nyeee! kaw din pala. yaan mo…sa susunod, wetpaks naman ang idi-display ko. kumbaga, next level na.

    3. ahaha ms.maru kabado ka ba na magasawa na c kevin?hahaha parang mama ko lang ganyan din sa mga kapatid kong boylets ayaw niang papuntahin gf sa bahay..hahahha

      azuls last blog post..pssst..pssst..rawrr!

      1. di naman ako worid. di ko lang talaga feel ang makipag chikahan sa mga bebot ng junakis ko.

    4. tama yan…collect and collect,then select.

      o ha!!

      1. di ako makapaniwalang nag a-agree ako sa sinabi mo. NAKS! hehehe! haw es u, pryss? 😀

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.