Everyday Life

Usapang Kape

Kever ko naman kung wala akong boyplen sa buhay…ang importante sa akin ay yung wag lang akong mawalan ng kape sa bahay! (May exclamation point talaga ha!)

Enwey, usapang kape po itey.

coffee

Habang tumatagal ako sa pagiging sugapa ko sa kape, I realized na kung pwede ay ayaw ko na uminom ng basta-bastang kape lang. (Hihihi! Arte!)

Maarte na kung maarte. Pero sa totoo lang, hindi na ako masyadong nag i-enjoy sa mga instant o kaya 3-in-1 coffee lang.

Hellloooo! Matagal na kaya akong nag level-up sa pagiging adik sa kape noh! 😀

Hindi ko naman sinasabing hindi na ako umiinom ng instant coffee.  ‘Kako, hindi na ako nag i-enjoy.

Para sa akin kasi, ang pag-inom ng kape ay dapat ini-enjoy. Parang sex lang ang pagkakape. Hindi dapat minamadali…dapat ninanamnam…higit sa lahat – dapat ini-enjoy! Charot!

At iba siempre ang brewed coffee kumpara sa instant.

Heniweys, alam nyo bang nadiskubre ko na mas nakakamura pala ako kung bibili na lang ng whole coffee beans mismo kesa mga instant o kaya 3-in-1 coffee? Susme, malaki pala ang deperensya. Lalo na kung ikukumpara ang presyo dun sa mga branded gourmet ground coffee. Syet, napaka-mahalia jackson nung iba!

Yun nga lang, kung bibili ka ng whole coffee beans eh kelangan mo ng coffee grinder at coffeemaker. At medyo gugugol ka ng konting time bago ka makapagtimpla ng kape.

Howel, yun naman ay kung gusto mo makahigop ng MASARAP na at tunay na kape.

coffee beans

Dito sa pinagkukutaan ko, may nabibili akong Robusta whole coffee beans sa halagang P150.00 lang ang kalahating kilo. Libre giling. Pero ako, hindi ako gumigiling hindi ko pinagigiling.

Pramis, ang kalahating kilong coffee beans ay sobrang daming tasang kape na pala ang magagawa.

Nakumbinse tuloy ako na tubong-lugaw pala talaga ang mga negosyanteng may coffee shop.

ground coffeeNga pala, wala akong coffee grinder. I use my blender machine when I grind my coffee beans.I always grind the coffee beans very finely. At hindi ko ginigiling ang half kilo ng whole coffee beans ng minsanan lang. Pakonti-konti ang gina-grind ko…good for 1-3 days lang. Para kahit papano ay freshly ground ang kape ko. 😀

Ibang-iba talaga talaga ang lasa ng kape kung ikaw mismo ang nag-grind. Bukod sa nakaka-high ang aroma na humahalimuyak sa kabahayan mo, napoprorotektahan mo pa ang robust flavor of your coffee. Masarap na, nakakamura ka pa! San ka pa! Chura lang ng Starbucks coffee.

Nakakasiguro ka pang pure coffee talaga ang iniinom mo dahil ikaw mismo ang nag-grind at walang filler. Dinig ko kasi yung ibang nabibiling gourmet ground coffee ay may filler DAW o may mga hinahalong iba kaya hindi ka nakakasigurong purong-puro yung kape.

Btw, how do you want your coffee? Mine, with milk or coffee cream lang. No sugar.

black n decker coffeemaker

Malaki ang utang na loob ko dito sa 18-year old coffeemaker ko. Binili ko ‘to noong working girl pa ako sa Dubai.

Kala ko bumigay na ‘to noon…buhay na buhay pa pala para patuloy akong bigyan ng kasiyahan araw-araw. Naks! Napaka-echosera ko.

La lang…naisipan ko lang isulat ang tungkol sa kape kasi while writing this entry…am having my cup of coffee…at nag i-ENJOY. 😀

 

 

oOo

“I think, therefore I’ve had my coffee.”

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Everyday Life

    Taho

    Sa halagang tig P20.00 bawat baso, may mainit-init na taho kami para sa umaga ng ...
    Everyday Life

    Pukeko

    Kababalik lang ng oldest sister ko sa Pilipinas galing sa 4 weeks na pamamasyal sa ...

    2 Comments

    1. I super duper love coffee too hot mama Maru! As in addict ako at hindi maaaring matapos ang araw ng hindi ako nagkakape. Kaya lang more on instant lang ako. Akala ko kasi a for effort at mahal ang pag gawa ng sariling kape, e hindi naman pala. Bibili na ako ng coffee maker soon para ma enjoy ko din ang sarili kong made na kape 🙂

      At guess what, nagkakape din ako habang binabasa ko ito! Cheers! Hehe 🙂

      1. Teh, sa laki ng sweldo mo…gorabels na at may-i-buy na agad ng coffee maker! Yung magandang klase na para pangmatagalan. 😀 Welcome to CoffeeLovers Club, sweetiepie!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    Everyday Life

    A Wrap Up

    Wednesday.  Sunny weather ayon sa forecast.  As usual, was up early morning for more or ...
    Everyday Life

    No Winner

    Year 2014  nang nagsimula akong ma-adik manood ng mga Korean tv drama series at movies ...
    Everyday Life

    Pasaporte 2

    Uy ha! Wala naman pala akong dapat ipag-alala sa renewal ng Pasaporte ko. Good job, DFA! Keep ...
    Everyday Life

    “Tok!”

    Been wearing eyeglasses since time immemorial. Pag nasisira ang salamin ko, madalas ang dahilan ay ...