PEOPLE and POLITICS

Wa Pakels!

Hindi ko kaya to. Nauuyam talaga ako sa balitang-ligawan ni Noynoy at Grace Lee. Please lang ha! Lubayan na sana ng media ang pagbabalita ng tungkol sa kanila.

Ang daming balitang KADIRI, wag na sana nilang dagdagan pa ng isa. Tama na yung MINSAN ay naisama sila sa primetime news. Wag na po sundan. Plissssss!

Mas gugustuhin ko pang isama ulit sa news ang return of the comeback ni Mommy Dionisia Pacquiao kesa Noynoy + GraceLee na ligawan. Wala dalang kilig factor ang dalawa at lalong wa akong pakels sa nararamdamang kati nila  sa isat isa!

Eto naman si koreana, parang enjoy na enjoy at kilig na kilig ang pechay sa pansamantalang kasikatan nya. Sows!

Simple lang. I don’t like Grace Lee. At hindi kami close! Haha!

 

oOo

Okay lang na magmahal ka, huwag ka lang umasa.

What's your reaction?

Excited
0
Happy
0
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
A single mom to Kevin and Keziah. Sang's bestfriend. Young, Fresh and Delicious. Lol! Blogging since 2005.

    You may also like

    Goodluck Manny!

    Dong, mag-aabang na lang ako sa Twitter kung ano ang magiging resulta ng laban mo. ...

    Mabuhay Ka, Pacman!

    Congrats Manny! (close?) “He doesn’t fight for the money (that’s our only concern, his money); ...

    6 Comments

    1. Same boat tayo mamaru.. di ko sya feel, tawagin ba namang pinky at biel lang ang older presidential sisters on national tv! #walang galang lang#

    2. Nakow! Puro soft-spoken at mababait si Pinky at Biel na nakaharap nya. Hintayin natin na makaharap nya ang katarayan at kaartehan ni Krissy. Yari sya! Lalo pa at na-link ang name na Grace Lee noon kay James Yap. Haha!

    3. I think wala na sila sa ligawan stage kasi sa morning radio show ni Grace Lee. Mo addressed PNoy as her boyfriend at walang objection your honor si ateng Grace eh..ewwwwwww kadiri! hahaha sayang si Grace Lee, akala ko pa naman may taste siya! Dios ko! LOL

    4. Natawa naman ako sa “Dios ko!” mo.

      Kaw ha….kung maka-dios ko eh wagas ha. Hahaha! Di nga? Hmmmn…posibleng tama ka nga, ateng. Mukang sila na nga siguro. Ayaw talaga pa-zero ni Noynoy sa Balentayms ha! O baka gusto lang nya pakita kay Shalani Soledad na nakapag move-on na sha. Hahaha! Sarap mang-intriga.

    5. nakita mo yung balita na PNoy gave Grace a peck on the cheek? naku naman ang ating presidente sabi niya hindi na siya magsasalita about sa kanyang love life eh eto ngayon well publicized. Hay naku! magkapatid talaga sila ni Kris Aquino…ang iingay pagdating sa kanilang love life. hahaha

      Siguro ayaw ni presidente sumali sa firing squad this coming Valentines! May joke nga sa chismis forum na nabasa ko, Grace Lee is PNoy’s future ex-gf..hahaha

    6. @Jenny: LOL @ future ex-gf. 😀 Malamang magiging ganun nga siguro. Hindi madali ang pinasok ni ineng Grace Lee. Madaming makikialam sa kanila at isa na ako dun. Talo pa niya ang pumasok sa loob ng pressure cooker kung pressure lang din ang pag uusapan. Lol! Naku! Di yan magtatagal. Patapyas ko kwan ko pag nagtagal yan. Haha! Kalokah!

    Leave a reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *

    This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    Mula Ulo Hanggang Paa

    Pagdating sa sapatos at size ng paa, masasabi kong OLATS ako sa usapan na yan.  ...

    Daan Ka Muna Pag May Time

    Yao Ming’s Sharks arrive today. (Read: http://ph.sports.yahoo.com/news/yao-sharks-arrive-today-172050359.html) Ah ganun? Hindi man lang ako na-inform ahead ...

    Pray For Boston

    Masarap na sana ang kain ko ng almusal kanina ng oatmeal + coffee + eggs ...